HAYAAN MO

5 0 0
                                    


Sa sandaling maramdaman mong hindi na kita mabuo.

Tipong hindi na ako ang sanhi ng pagtawa mo.

Hindi na ako  ang dahilan ng pag usad mo
Narito ako pangako.

Pilit na isinusulong ang laban,
Sa ganoon ay muli mong matunghayan
Kung gaano ako naninindigan sa pangakong ngayon ay siyang sandata ko sa paglalayag patungo sayo.

HINDI KITA IIWAN — ngunit

Hayaan mo, ibabalik ko ang dating sigla mo.

Hindi ka na mababahala sa tuwing iba ang daloy ng mundo.
Pagkat maari kang tumungo sa kaligayahan mo.

Sa pagkakataong ito, kung Hindi na ako?

Hayaan mong huwag kitang Iwan ngunit Malaya ka ng lumisan.

Sapagkat hindi ako Ang kubong magsisilbing pahingahan mo
at  pagkatapos ay maglalakbay ka na sa tunay na destinasyon mo.

Hayaan mong hayaan kitang piliin kung Saan ka maligaya.
Kahit sa dulo nito ay ako nalang ulit mag-isa.

L . A . P . I . SWhere stories live. Discover now