ARAW AT BUWAN

3 0 0
                                    

At kung ang pag-ibig natin
ay nahuhubog dala ng panahon,
Manlamig man, sana'y umalab pa rin
ang pagsinta ng pusong pinag-isa.

Dahil kung  gaano ka halina ng gabi
at kakislap ng mga tala sa kalawakan,

Ang tadhana ay mananatiling marilag
sa palad ng sinumang naghihintay
ng tamang pagkakataon.

Maging kasing rikit man ng buwan ang ating pag-ibig,
Nawa'y huwag itong maglaho,
sa tuwing sasapit na muli ang araw.

L . A . P . I . SWhere stories live. Discover now