Natatandaan ko pa, mga araw na hinihimok kitang lumaban pa.
Mga sandali na pilit kitang tinatakas sa ideyang tumatangay sa'yo patungo sa "pagsuko"Akala ko nga, sa pagkapit nating dalawa
Hindi na tayo mapaglalayo pa.Akala ko, kapag napagod sa atin ang isa,
tatakbo ka, ngunit sa akin pa rin tutungo.Pero bakit sa paghahangad mo ng kapahingahan,
Hindi ko akalaing ibang tao na pala ang matatagpuan.Nag umpisa ang lahat, ng minsang hiniling mong
magkaroon ng kaunting pagitan,
Kung alam ko lang na iyon
ang magiging mitsa ng tuluyan mong paglisan.Sana pala, hindi na ako kumapit at umasa
na isang araw, babalik ka,
kasi naramdaman mong mayroong kulang.Siguro masyado lang akong naging panatag
sa pag aakalang hindi ka na maghahanap.Mali ba na habang hinihintay kita,
maayos ka na pala sa kamay ng iba?Akala ko kasi kaunting pagitan lang
Hindi ko alam
na permanenteng separasyon na pala ang nais mong ipakahulugan.Hindi kita pinabayaan.
Hindi rin kita iniwan.
At lalong hindi ako nagkulang.Hindi lang siguro ako ang iyong lakas at kahinaan,
Na kakailanganin mo sa pang araw-araw,
kaya nagawa mo parin akong iwan.
YOU ARE READING
L . A . P . I . S
PoetryLikha ng maruming tinta At binuo ng dalisay na mga salita Puso ang siyang nagdikta ngunit Isip ang tunay na kumatha kaya't Sapat ka na sinta bilang aking paksa.