KAPE

2 0 0
                                    

Pinagtibay at pinagbuklod ng pagmamahalan,
natitiyak kong ako'y pinagpala sa aking mga magulang.

Marahil, sa buhay maraming pagsubok,
Hindi madaling iangat, kung magpapatalo sa hamon na hinaharap. Kaya't mainam na tumindig at kumapit sa haliging matatag.

Ngunit alam kong lahat ng matatag, mayroon ring kahinaan,
kaya't...

Pa, Kumusta?

Baka sakaling sa pamamagitan nito'y, unti-unting mapawi ang pagod sa buong maghapon,

hindi ko man mahagod ang nangangalay mong likod,

pangako, narito ako handang suklian lahat ng pinunla mo gamit ang mga patak ng pawis
ngunit sa  panahong  iyan, asahan mo
mas sagana at maayos na ang ibabalik.

Hindi na lamang isang tasa ng kape
ang iaabot sa Umaga at tuwing uuwi ka.

Pagkat darating tayo sa sitwasyon
na hindi mo na kailangan magkunwaring
Hindi masakit ang sinag ng Araw,
para lamang itaguyod ng patas ang ating pamumuhay.

Libo-libong sakripisyo man ang iniaalay mo
Pagsusumikapan kong mapagaan at maghilom
ang mga sugat na sinapit sa pagtaguyod saming mga anak mo.

Ikaw kasi yung tipo ng tao,
na hindi marunong sumuko,
Ikaw yung isa sa hindi nang iiwan,
ni naging pabaya sa pag disiplina at aruga
at higit sa lahat,

Ikaw yung Meron kami na hindi matutumbasan ng anumang bagay.
Hindi lamang sa Araw na ito ipababatid ang kagitingan ng isang ama.
Kung mapupunan lamang ng isang katha ang mga sakripisyo ng isang ama?

Pag iigihan kong lumikha ng higit pa sa isa
upang mabawasan ang hirap mong dinadala.

Balang Araw, masusuklian ko ang bawat paghihirap mo
Sa Ngayon, walang ibang salita ang mailalapat na iba
kundi maraming salamat pa,
mag iingat ka parati. Mahal na Mahal Kita.

L . A . P . I . SWhere stories live. Discover now