TOTOONG TAHANAN

7 1 0
                                    


Kung sakaling hindi na ako ang pampawi ng pagod at lungkot mo,
Hindi na ako ang tanging bumubuo ng Araw at magsisilbing tanglaw sa tuwing sasapit ang mga gabing maginaw,

Siguro sa pagkakataong iyan ay nahanap mo na ang totoo mong tahanan.

Siguro ako'y isa lamang na pahingahan,
Magsisilbing Araw upang sinagan at alayan ka ng panibagong kalakasan.

Naisin  mang minsang hangaring
"Nawa'y ako nalang ang iyong totoong Tahanan
ng sa gayo'y hindi ako lubusang nahihirapan,

Ngunit hindi maipipilit ang isang bagay
Pagkat mananatili paring  Mali't hindi makatarungan.

Sa pag usad mo ay makatatagpo ka ng panibago.

Hindi na siguro katulad ko
na ang kaya  lamang ay Ikaw ay ipaglaban at ingatan.

Huwag kang mag alala
Sa pagluha mo, ako ang magpapatahan,
habang hinihintay ang tunay mong tahanan.

L . A . P . I . SWhere stories live. Discover now