SA AKING MULING PAGBANGON

2 2 0
                                    

Tunay ngang kahanga-hanga

Babaeng natutong magparaya

Natutong mahalin muna ang sarili

Kesa sa taong hindi siya ang pinili

Dumadaan man sa pagsubok

Sa kalungkutan, wag malugmok

Mga kaibigang anjan lamang nakatutok

Hanggang sa huling pagtilaok ng manok

Sarili'y muling pahalagahan

Tunay na kaligayahan mahahagkan

Sa paglipas ng panahon makakaahon

Di na papatangay sa malakas na alon

Lahat ng bagay ay may rason

Isipin lahat ay naaayon

Saan ka man naroroon

Manalig lamang sa plano ng Panginoon

~ Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon