BIGO

19 7 0
                                    

Pagmamahal? Una? Pangalawa? Binigo ako ng salitang pagmamahal. Sinubukan muling sumugal sa pangatlong pagkakataon pero tulad ng una at pangalawa binigo ako muli ng salitang yan. Pait , sakit at kirot naramdaman ng paulit ulit. Hinagpis at pagkamunghi ang namayani. Takot at lungkot ang rumihistro sa puso na humihingi lamang ng pag ibig. Hanggang sa dumating ang aking ika apat na pag ibig na nagpabago sa pananaw ko sa salitang pagmamahal. Sumugal ng paulit ulit maisalba lang ang pag ibig na matagal ng gustong makamit. Nasaktan nanaman sa ika apat na pagkakataon pero hindi tulad ng una , pangalawa at pangatlo ang ika apat ang nagpaintindi na sa pagmamahal hindi puro ligaya dahil ang totoong pagmamahal nakakaramdam ng sakit nakakaramdam ng saya dahil dun nyo makikita ang tatag ng pundasyon ng inyong pagmamahalan. Pundasyon na siyang magsasalba sa relasyong mahina. Sa ika apat kong pag ibig natutunan kong pahalagahan ang bukod tanging umintindi saakin. At ang pag ibig na ito ay siya ng magiging huli.

~Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon