KURAP

7 3 0
                                    

Sa pag dilat ng aking mata nakita ang pagbabagong di ko hinangad mga pagbabagong nagmulat sa aking mga mata na kailanman hindi na magiging tulad sa umpisa.
Masasayang ala-ala na sama samang pinagsaluhan mga tawanan, biruan at iyakan na kailanman hindi pwedeng maulit pa. Mga katanungan na walang matinong kasagutan . Suliranin na kinakaharap ng ating samahan ay di na mahanap ang lunas . Sa unang kurap ng aking mga mata nakita ang unti unting pag iwas ng loob sa isat isa na sadyang nakakabahala sapagkat hudyat ito sa salitang paalam na . Sa pangalawang kurap nakita ang sakit sa mga mata at takot na baka hindi na maayos pa ang samahan na siyang bumuo sa atin upang tayo'y maging totoo sa ating sarili. Habang ang aking mata ay kumukurap mga pangyayari ay sadya ng nakakabahala sapagkat unti unti ng naglalaho ang pagkakaibigan na ating sinimulan . Pagkakaibigan na naging sandalan sa panahon ng ating pangangailangan . Pagkakaibigan na maaasahan sa panahon ng kagipitan . Pero bakit ang tinawag natin na PAMILYANG MATATAG ay unti unti ng mabubuwag ? Sa paglabo ng aking mga mata at kasabay nito ang pag patak ng aking mga luha nakita ang puno't dulo ng lahat . Puso'y biglang kumirot punong puno ng puot . Nasambit sa huling pagkakataon at sa aking huling pagkurap MAGIGING MASAYA AKO SA ANUMAN ANG KAHIHINATNAN NITO.

~Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon