TALA

18 7 0
                                    

Sa gabi makikita ang ganda ng kalangitan
Sariwang hangin ang siyang binabalik balikan
Sa lugar kung saan kita huling nahagkan
Kay bilis naman ng panahon
Parang kailan lang nung ating pinagmamasdan
Ang ganda ng dilim at ang mga tala
Na nakasaksi sa una nating pagkikita

Ang mga tala
Ang siyang dahilan kung pano nabuo
Ang pagmamahalan ng ating mga pusong bigo
Na siyang nakasaksi sa ating pangako
Na kailanman sabi mo'y hindi ito mapapako

Ang mga tala
Ang nagbigay ng liwanag sa atin
Nang panahong iba ang gustong tahakin
Na ang dilim ang nagsilbing tahanan
Nang pusong kailangan ng kanlungan

Ang mga tala
Ang paborito nating pagmasdan
Habang ako'y iyong hinahagkan
Habang pilit mong pinapatahan
Dahil ikaw rin pala ay lilisan

At ngayon ako'y nag-iisa
Dito sa lugar kung saan tayo huling nagkita
Hinahanap ang mga talang nakakita
Sa pag-iibigang isa nalang alaala

Sa pagpikit ng aking mga mata
Kasabay nito ang dilim ng kalangitan
At pagtulo ng aking mga luha
Sa pagkawala nitong mga tala
Ay ang paglimot ko sa ating storya

~Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon