PANDEMYA

18 6 0
                                    

Sa unti unting pagmulat ng aking mga mata bumungad saakin ang magulong paligid. Mga batang nag iiyakan na walang kaalam alam sa nangyayari sa kanilang kapaligiran, mga taong nagtatakbuhan na tila takot na takot sa anumang delubyong paparating sakanila. Sa kabilang banda nakita ko ang mga taong may kapangyarihan na nag babangayan sa bagay na ipinaglalaban nila. Maraming wala ng buhay ang nakakalat sa kalsada at mga taong hinihintay nalang ang oras nila. Ang sakit sa pusong makitang ang isang tulad ko na gustong iangat ang kapwa ko ay walang magawa sapagkat isa lamang akong bata sa mata nila na kahit anong salitang bigkasin ko ay hindi nila maiintindihan. Sa patuloy na paglalakad ko sa daan na puno ng taong wala ng buhay nakita ko ang mga pamilyang nangungulila sa kanilang mga mahal na bigla nalang nawalan ng lugar sa mundong ito. Mga taong nagpapatigasan sa mga taong mas may kapangyarihan makuha lang ang kanilang gusto.

Pero bakit? Bakit kailangan pang magkagulo ng ganito. Kung pwede naman tayong magkaisa para sa ikauunlad ng bansang ito. Bansang tayo mismo ang andito. Bansang tayo mismo ang nakikinabang. Kung imumulat lang ng bawat isa ang kanilang mga mata at palawakin ang kanilang pag unawa malalabanan natin ang anumang sakuna, malalabanan natin ang anumang delubyo na darating basta tayo lang ay magkakaisa. Mas magandang pagmasdan ang isang bansa na nagtutulungan kesa naghihilaan pababa. Marahil ay may iba't iba tayong pananaw ngunit kung iisipin mong mabuti may magagawa ka bilang isang indibidual. Mangunguna sayo mismo ang pagbabago hindi sa ibang tao.

Sa pagliko ko sa walang hanggang kalsada nakita ko ang mga manggagamot na pagod na pagod, na tila gusto ng sumuko ngunit hindi nila alintana ang pagod at puyat makatulong lang sa kanilang kapwa. Mga sundalong may hawak na larawan sa kanilang pamilyang nangungulila sa kanila na tila walang kasiguraduhan kung makakabalik paba sila. Isipin mo itong mga taong tumutulong saatin para mapuksa ang sakit na ito ay nasa panganib ang buhay ngunit sila ay nanatili sa tabi ng bawat taong lumalaban malampasan lang ito. Pero ikaw, ikaw na ang maiaambag lang ay manatili sa bahay tatakas ng alas dose ng madaling araw at makikipag habulan sa mga tanod na buong araw nagtratrabaho para lang sa kaligtasan mo. Nasayo ang pagbabago wala sa ibang tao.

Oras na para imulat ang ating mga mata sa realidad na tulad nito. Sama sama tayong labanan ang pandemyang ito at sa oras na mapuksa natin to sabay sabay nating sasalubungin ang panibagong umagang ibinigay saatin kasama ng ating pananampalataya sa lumikha saatin. Sa dulo ng daan na tinahak ko ay ang bagong pag-asa at bagong simula na makakamtam natin. Hindi pa huli ang lahat may pagkakataon kapang itama lahat ng mali. At sabay tayong lumakad sa daan patungo sa bagong pag-asa na naghihintay saatin.

~Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon