LARAWAN

18 7 0
                                    

Mahal ito nanaman tayo

Sa mga sandaling marami ng magbabago

Mahal ramdam ko na ang aking pagkabigo

Na maibalik ang masayang tayo

Na tayo mismo ang bumuo

Mahal hanggang larawan nalang ba?

Makikita ang kasiyahan na pinagsaluhan

Sa hirap man o saya

Mahal ramdam mo paba?

Ang pagmamahal na hindi mawawala

Ang pagmamahal na pinilit kung maging tama

Mahal nagsusumamo ako sayo

Sana maramdaman mo ang sakit

Sakit na naidulot mo nung iwan moko

Tanging larawan nalang ang siyang basehan

Nang wagas kong pagmamahal

Mahal alam kung ako'y naging hangal

Pero tapat kitang minahal

Sana maibalik pa ang sandali

Na yakap mo ako sa iyong bisig

Maramdaman sanang muli

Na sa yakap mong di magkakamali

Mahal ang sakit na

Pero alam mo ba sayo parin ako masaya

Sadyang napaka daya ng tadhana

Sapagkat larawan nalang ang iniwan

Na maging basehan ng ating pagmamahalan.

~Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon