Salamat sa mga araw na nakasama kita
sa mga araw na pinaramdam mo ang tunay kong halaga.Salamat dahil kahit minsan sa buhay ko naramdaman ko na pwede rin pala akong maging masaya.
Salamat dahil ikaw ang nagsilbing takbuhan sa mga araw na gusto ko ng limutin ang ganda ng mundong ibabaw pinaramdam mo saakin na sa iyong bisig ay di na masasaktan pa.
Salamat sa pagmamahal na di ko kayang suklian pero binigay mo parin itong buo at walang pag aalinlangan.
Salamat dahil minsan sa buhay ko ay dumating ka pero di na mapapawi ang lungkot na namamahay sa iyong mga mata.
Patawad kung di ko man lang naibigay ang pagmamahal na kay tagal mo ng inasam.
Patawad dahil di ko kayang suklian ang pagmamahal na minsan mo ng binigay sa iba.
Patawad dahil ako'y naging tanga.
Patawad dahil nasaktan ko ang tulad mong gusto lamang ay pasayahin ako,
Pero alam ko na kahit anung patawad pa ang hingiin ko hindi ma ibabalik ang dating tayo na nasira simula nung ibigin mo ako.
Sa ngayon kailangan ko ng magpaalam
Paalam dahil alam kung di mo na kaya ang sakit na iyong nararamdaman.Paalam dahil alam kung hindi ka saakin liligaya.
Paalam dahil ayaw na kitang saktan.
Paalam dahil gusto kong makahanap kana ng iba.
Sana pag nagmahal kapa ulit sa babaeng susuklian na ang pagmamahal na iyong binibigay. Paalam
~Binibining Shazny~
