Naagaw ng aking pansin ang iyong tindig.
Ang iyong mapupungay na matang nagpapahiwatig.
Nang kakaibang pakiramdam saaking dibdib.
Pinagmamasdan ka sa malayo ng may pagkabilib.
Inaaral ang bawat detalye sa iyong mukha.
At sa tuwing ang mga mata natin ay nagtatama.
Tayo ay parehong nabibigla.
Pinipilit kang titigan sa iyong mga mata.
Upang ikaw ay mas lalo ko pang makilala.
Ngunit kakaibang lungkot ang aking nakita.
Punong puno ng sakit at pangungulila.
Ikaw ay naghahanap ng iyong karamay.
Ninais kong ako ang iyong maging kaagapay.
Kakampi sa lahat ng hamon ng buhay.
Ang hahawak ng mahigpit sa iyong mga kamay.
Tila ang bilis ng pangyayari.
Sa isang iglap nakahanap ako ng kakampi.
Hindi man kita tunay na pag-aari.
Alam kong may dahilan lahat ng nangyayari.
Ang iyong simpleng pagtitig.
Ang nagbigay buhay sa puso kong muling pumintig.
Ang iyong simpleng pagsulyap.
Ang pumigil sa mga mata ko sa pag kurap.
Aalisin ko lahat ng aking pangamba.
Para sa iyo ako'y muling magtitiwala.
Bubuksan ang pintong matagal ko ng sinara.
Dahil naramdaman ko sayo ang totoong pagkalinga.
Alam kong mahaba pa ang panahon.
Pero di ko hahayaang masayang ang pagkakataon.
Na ipinagkaloob saatin ng Panginoon.
~ Binibining Shazny~
