HULI

5 2 0
                                    

Huling beses, nasilayan ang yung mga mata

Huling beses, kitang nahagkan

Huling beses, naramdaman ang iyong pagmamahal

Huling beses, nahawakan ang init ng yung palad

Palad na kaytagal kong pinangarap

Pagmamahal na hinangad

Mga matang puno ng kalungkutan

Huling beses, kitang nakasama ramdam ko pa ang iyong pananabik saakin

Huling beses, kong nasilayan ang sensiridad ng iyong pag ibig na inalay

Ngunit, teka huli na nga ba talaga?

Bawat minutong lumilipas hinahangad na sana'y ikaw ay nariyan pa, na sana'y sa huling pag hinga ikaw ang masilayan

Kay bigat sa pakiramdam ng maiwanan at bumalik sa dati kung saan mo ako unang natagpuan

Pero.

Huli na , Huli na ang pagmamahal na inuumpisahan ko palang .

Pagmamahal na sinimulan na bigla mo nalang tinuldukan

Huli na , Huli na ang paghingi ng kapatawaran sapagkat namili kana sa aming dalawa

Huli na , Huli na para sa ating dalawa
Sapagkat umpisa palang ng laban sumuko kana at pinagpalit ako sa iba

Pero sa pinaka huli hulihang pagkakataon gusto kong malaman mo mahal kita kahit, huli na.

~Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon