PAGSUMAMO

24 7 0
                                    

Ang lawak ng mundong ating ginagalawan
Kaya ang hirap mong hagkan
Ang daming matang sati'y nakatingin
Kaya hindi masabi ang sinisigaw ng damdamin

Binigo mang paulit ulit
Sarili parin ay pinipilit
Distansiya man ay napaka lapit
Tadhana'y pinaglalayo tayong pilit

Aminin ko mang mahal kita
Pero hindi pwedeng maging tayong dalawa
Ang mali ginawang tama
Pero nasuklian ng pagdurusa

Kontento nakong sulyapan ka
Sa taong ika'y napapasaya
Masakit man itong makita
Pero alam kong dun ka liligaya

Pinilit kong limutin
Ang sinisigaw ng aking damdamin
Mas mabuti ng akong masaktan
Kesa ipatikim sayo ang pait ng pinagdaanan

Salamat dahil nakaahon ako sa pait ng nakaraan
Sa sakit na naramdaman at pinagdaanan
Sa madilim na daan na kinahinatnan
Ng sakit na di na mawawala kailanman

Ikaw ang nag silbing gabay
Sa lugar kung saan dapat ako nakahanay
Na sabi mo'y dun ako nababagay
Sa lugar na hindi tayo pwedeng maghiwalay

Pero sadyang magulo ang tadhana
Dahil para sakanya'y hindi tama
Kaya idadaan nalang sa alaala
Na minsan sa buhay ko'y minahal kita

Paalam aking Mahal
Ako'y hindi na magtatagal
Baunin mo ang labis kong pagmamahal
Na mahirap ng matanggal

Nabigo man tayong harapin
Ang pagsubok na nakalaan saatin
Pero kailangan ng limutin
Nang hindi na makasakit ng damdamin

~Binibining Shazny~

Makata (ᜋᜃᜆ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon