CHAPTER NINE

590 3 0
                                    

"Kung hindi dahil sa idea ni Evan ay hindi namin siya mahuhuli." Sabi ko sa officer tiningnan kami ng masama ni Walter.

"None of that is true!" Sigaw nito.

"I did a little digging on you too and your family, Walter." Nakangisi na sabi ni Evan sa kaniya.

"Sa nalaman ko ang klase ng ama mo ay yung hindi nanaisin magkaroon na anak na tulad mo na sisira sa pangalan at reputation nito, na mas uunahin ang iisipin ng iba kesa ang tulungan ka. And to make it worse, nakikipag-kumpitensya ka din sa kapatid mo para makuha ang bilyon-bilyon na pera ng ama mo sa kumpanya niya." Sabi ni Evan.

"How do you know that?! Walang nakakaalam sa balak na pagbaba ni Daddy as president and CEO!" Sigaw nito.

"Dyan ka nagkakamali. And I'm sure a prison record won't help your chances. Kung ayaw mong maging kahiya-hiya sa publiko at mawalan ng mamanahin sa ama mo, then don't ever come near here again, understand?" Seryosong sabi nito kay Walter pero hindi ito nagsalita.

"Sumunod nalang kayo lahat sa presinto para makuha namin ang mga statement ninyo." Sabi ng police officer na kinatango namin.

Lumabas na nga kami habang nakabalot pa ako ng Jacket ni Kio.

"Are you okay, Eli?" tanong ni Evan sakin at tumango ako.

"Actually..ayos lang talaga ako, sobrang masaya ako na nahuli na talaga si Walter." Sabi ko saka tiningnan ang mga tauhan ni Evan na nagpapaalam na habang sina Kio at Van naman ay tila may tinatawagan.

"I have a lawyer friend actually Kio's Brother,  siya na ang bahalang umasikaso dun." Sabi nito at napalingon ako kay Kio at tinaas-taas lang nito ang kilay niya sa akin na kinangiti ko.

"Hey guys!" bati ko sa kanila, tumingin naman na si Van sa akin.

"I was really surprised to see you and others there? What made you decide to come?" tanong ko sa kanila.

"You're Evan's girl...his only girl. We'll do whatever we need to do to look out for you." Sabi ni Van.

"I also, uh..owe you an apology?" Sabi nito at kumunot ang noo ko.

"Me?" tanong ko.

"Yeah..I know hindi mo nagustuhan ang pag-akbay ko sayo nun at alam kong nabastos kita." Sabi nito at naalala ko nga ang first meet namin.

"It's okay, I forgive you." Sabi ko at agad napalingon kay Kio ng umayos ito ng tayo saka kumamot sa gilid ng kilay nito at parang may gustong sabihin pero pinagiisapan muna niya.

"Uh, I think I need to apologize too?" Sabi nito at tinaasan ko siya ng kilay at natawa naman sina Evan at Van saka sumandal sa kotse habang nakafold ang mga braso.

"For what?" tanong ko.

" For.... calling you a kindergarten's teacher..I guess?" Sabi nito at natawa ako dahil di ako makapaniwala.

"Or for dragging you..Oh my god, mukhang ang dami kong kasalanan sa'yo little lamb."sabi nito at pinanliitan ko siya ng mata ko dahil narinig ko nanaman ang little lamb niyang 'yon, hmp.

"Parang wala ka namang balak mag-sorry at balak mo lang dagdagan.." Sabi ko at natawa siya at umiling.

"Okay, sorry for that day..." Sabi niya at tumango ako.

"Okay. Apology accepted...for both of you." Sabi ko saka nilingon si Evan na nakangiti sa akin.

I'm sure it's important to Evan that I get along with the people he cares and most about.

"It's been a long night, guys, I'm kind of tired." Sabi ko saka tiningnan si Evan.

"Maybe we should head back home." Sabi ko pa at tumango ito.

EVAN SANTIVEDAZ: MY SEXY BROTHER Where stories live. Discover now