CHAPTER TEN

507 4 0
                                    

Habang patuloy kaming naglalakad ay bigla itong napahinto at tila may tinitingnan, sinundan ko ang mata niya at nakita ko agad ang isang punong naiiba sa lahat dahil sa napakalaki at napakataas nito at may red ribbon pang nakatali.

"We found it!" masayang sabi ko saka tumingin sa kaniya at nakangiti na ito sa akin.

"Yeah, it looks like." Sabi niya habang pinipisil ng marahan ang palad ko.

Tiningnan ko naman si Evan lalo na ng maalala ko ang article na nabasa ko na kapag nagkiss kayo sa ilalim ng puno ay magkakaroon kayo ng happy life together.

Nakita ko naman ang pagpula ng pisngi nito at ang tilang nahihiya niyang ngiti sa akin na kinakagat ng labi ko. Maybe he knows about the rumors about this oldest tree.

"Uh, let's..." Sabi ko saka tumigil sandali at nagsalitang muli. ".. let's take a photo." Sabi ko at natawa ito ng mahina.

"Okay." Sagot nito na kinabuga ko saka kinuha ang phone ko sa bag, saka nanginginig na hinawakan ito para kumuha ng litrato.

At after nun ay binalik ko sa bag ko ang phone at ngumiti ng alanganin sa kaniya.

"Ang ganda no?" Saad ko at tinawanan lang talaga niya ako.

Just then, I hear a small crack of thunder as the sky suddenly opens up and the rain begins pouring.

"Umuulan na!" Sigaw ko kay Evan at napalagay pa ako ng bag ko sa ulo ko.

"Come on, let's hurry back to the car---" pero natigilan kami ng mapansin nito ang suot kong heels na kinairap nito pero at the same time ay tumawa ito ng mahina.

"I'm sorry!" hingi ko ng paumanhin.

"It's okay, babs." Natatawa niyang sabi saka inalis ang suot niyang Jacket at pinantabon sa ulo ko at naglakad nalang kami, dahil hindi naman namin magagawa ang tumakbo.

Sumakay na nga kaagad ako sa kotse nito at ganun din siya. Nilagay ko muna sa backseat ang jacket nito at kumuha ng panyo sa bag ko saka nagpunas, and after ko ay pinunasan ko din si Evan dahil basa na din talaga siya.

"I'm sorry, Eli. I should have looked at the weather today. I ruined our date." Sabi nito at ngumiti ako saka tiningnan siya.

"Uh, I think it made more interesting, it turned it into to be adventure." Sabi ko at ngumiti ito.

"I love how you can always find the silver lining in anything." tila proud niyang sabi at ngumiti lang ako saka dumako ang tingin ko sa basa niyang damit na halos bumakat na ang chiseled muscle nito, dahilan para sunod-sunod na mapalunok ako.

Napansin ko naman ang nakangisi ng si Evan habang nakatingin sa akin na tila tuwang-tuwa siyang natatakam ako sa kaniya, napaiwas ako ng tingin at agad sinuot ang seatbelt.

"Let's go home.." nahihiya kong sabi at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Babs, sabi mo pagiisipan mo pa ha, di ba? Ibig sabihin hindi pa uli natin pwedeng ulitin yung ginawa natin last night." Sabi nito na kinalaki ng mata ko at agad siyang tiningnan.

"Ha? Bakit?---" natigilan ako at huli na para bawiin yun, kainis.

Niyakap naman nito ang sarili niya. "Nakakasakit ka ng puso babs, you only want my body." Sabi niya na tila malungkot pa talaga siya na kinaawang ng bibig ko.

"Umayos ka nga, Santivedaz!" inis kong sabi at inirapan siya.

Natatawang inistart nito ang kotse ng matigilan siya dahil sa pagtunog ng phone niya, agad nitong kinuha yun sa bulsa niya at chineck ang caller ID.

It's Kio.

Sinagot naman nito ang tawag ni Kio, at napansin ko ang pagiiba agad ng expression nito. He looks very upset.

EVAN SANTIVEDAZ: MY SEXY BROTHER Where stories live. Discover now