After spending several hours with the police answering questions, I finally make it home.
"That was exhausting. How did a trip down the street to get flowers turn into a three-hour-long ordeal?" Sabi ko pagkarating namin sa apartment at sumalampak ng upo sa sofa.
"I'm just glad you're alright. I wish the cops had more clues to figure it out who's behind all of this." seryosong saad niya kaya napaayos ako sa pagkakaupo ko at tiningnan siya.
"Calm down, baby. Baka aksidente lang talaga ang nangyari kanina. The police said the apartment was all clear." Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya.
"There wasn't anyone there that would have a motive to hurt me." Sabi ko pa at hindi ito sumagot, pero kita ko sa expression ng mukha niyang hindi siya sumasangayon.
Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang hindi din talaga ako sangayon. Sinusubukan ko lang maging optimistic, pero ang hirap din talagang balewalain lalo na after nung incident sa kotse.
Baka tama nga si Evan. Baka nga hindi ito isang aksidente lamang.
Nilingon ko si Evan na seryoso lang na nakatingin sa bintana habang seryoso ang mukha nito, sobrang tahimik lang talaga niya simula ng makauwi kami.
"Evan.. ang tahimik mo, ano---" magtatanong palang sana ako pero bigla naman tumunog ang phone niya kaya agad nito 'yon sinagot.
Tiningnan ko naman ang relo ko at napansin na parating na sila Athena at Timothy. Mukhang kailangan ko ng mag-ayos.
I get up and head to my room, trying to put the eventful afternoon out of my mind.
I can't let my students see how shaken I am by what happened earlier. Maybe freshening up will help me calm myself.
After getting dressed, dumeretso kaagad ako sa living room to make sure na ayos na ang lahat.
Napansin ko naman si Evan na kakatapos lang din sa pakikipag-usap sa kung sino man ang tumawag sa kaniya kanina.
"Is everything okay?" tanong ko at huminga siya ng malalim saka tumango.
"Yeah, everything is fine, babs." Saad nito na kinangiti ko at ngumiti din siya at lumapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit saka hinalikan ang gilid ng ulo ko.
"I'm going to make sure I find out who's trying to hurt you, babs." Sabi nito
"There may be a little risk involved, but you're worth it." Sabi pa niya na kinakunot ng noo ko.
"Risk? What do you mean? May idea ka na ba kung sino ang gumagawa nito?" Evan doesn't answer. He just smile and kisses me softly on my lips.
"I need you to trust me, Eli." Sabi niya at huminga ako ng malalim.
"I trust you, Evan but, it depends on the situation." Sabi ko at halata ang paglungkot ng mukha niya.
"Well, I really hope na makuha ko na talaga ang buo mong tiwala, Eli. Dahil hindi ko na din alam kung paano ko papatunayan sa'yo na handa kitang protektahan kahit buhay ko pa ang nakasalalay dito." Sabi niya at ngumiti ng tipid pero bakas sa boses nito ang pagkadismaya saakin.
"Evan, hindi naman sa ganun---"
Natigilan naman ako ng may mahihinang katok ang nagmula sa pinto.
Agad na binitiwan ako ni Evan at ngumiti. "Ako na magbubukas." Sabi niya, nakaramdam ako ng pagkainis sa sarili ko.
Pinagkakatiwalaan ko naman siya kaso lang talaga...hindi ko maiwasang magalala sa pwedeng mangyari kung totoo nga na may nagbabanta sa buhay ko.
Pagkabukas nga ni Evan ay si Timothy agad ang nakita kong pumasok at may dala itong isang basket ng prutas.