The next morning ay sinamahan ako ni Evan papunta sa piano class ko. Hinarap ko siya at agad hinawakan ang isang kamay nito.
"Evan, I need you to do me a favor." sabi ko at ngumiti naman siya.
"What is it, babs?" tanong niya.
"I need you to wait outside." Sabi ko at pinanliitan niya ako ng mata niya kaya natawa ako ng mahina.
"No." Sagot nito at mas lalo akong natawa saka umiling.
"Evan, kapag kasama kita hindi makakapag-concentrate ang mga students ko dahil sa sobrang hot mo or baka maakward sila dahil nakakaintinmidate ang presence mo.." Sabi ko at tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Plus, may kikilalanin akong new student ko ngayon and I want to make a good first impression. Isang oras lang, please." pakiusap ko at huminga siya ng malalim.
"Fine, one hour. Maghihintay ako sa waiting area. At kapag na-late ka kahit isang minuto ay papasok na ako." Sabi nito na kinangiti ko saka tumango ng sunod-sunod.
"Copy, sir!" Sabi ko at kiniss naman niya ako sa noo ko.
After convincing him, ay dumeretso na agad ako sa classroom at inayos na ang lesson namin. I hear the sound of the door kaya lumingon ako para sana batiin ang new student ko ng makilala ko ito.
"Athena?"
"I didn't know na student pala kita." Sabi ko ng nakangiti at lumapit naman siya sakin.
"Even me, Miss Elizabeth." nahihiya niyang sabi kaya ngumiti ako at saka tiningnan siya.
"Well, I guess we should get started?' tanong ko at tumango ito.
"So, what made you decide to take piano lessons?" tanong ko at naupo naman siya.
"Hmm. I'm a freelance writer and work from home ako." simula nito na kinatango ko.
"That's nice." Sagot ko.
"Pero nakakabagot din ang pag-stay sa bahay the whole day kaya naisipan kong maghanap ng ibang pagkakalibangan. And, I've always wanted to learn how to play piano." Sabi niya.
"Then, I'm happy na mapasali ka dito sa klase ko." Saad ko at ngumiti siya.
"Same here." Sagot nito at nagsimula na nga kami sa basic lesson lang, at konting kwentuhan at tawanan, saka ko napansin na tapos na pala ang oras nito.
"You did great for your first lesson, Athena. Sa tingin ko natural na ang galing mo." puri ko sakaniya at napayuko siya.
"Thank you, Miss Eli. You are really a great teacher too." Sabi niya.
"Thanks!" Sabi ko at lumabas na nga kami ng classroom.
"Can I ask you a question?" tanong nito at tiningnan ko naman siya saka tumango.
"Sino 'yung guy na kasama mo kagabi?" tanong nito at kumunot naman ang noo ko lalo na ng mamula ang pisngi niya.
"Uh, My bro--my boyfriend." Sabi ko at natigilan siya sandali saka tumango-tango.
"I had a feeling." sabi nito saka yumuko uli.
After talking, ay nagpaalam na nga si Athena at dumeretso na agad ako kung nasaan si Evan kung saan ito naghihintay at nakatingin sa relo niya. Tss.
"Hey!" tawag ko sa kaniya at napatingin siya sa akin at agad tumayo at lumapit sa akin.
"How was your lesson?' tanong nito.
"It was great! Naalala mo ba yung babae kagabi? She was my new student." Kwento ko saka sinukbit ang braso ko sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad at kumunot naman ang noo niya.