Papasok ako sa paaralan nang makita ko ang aking kaibigang bugok.
“Hoy, Adik!”
Tawag ko sa kaibigan kong si Marian.“Anong balita kay sir pogi? ehe.”
Malanding tanong niya saakin.“Gago, Sir pogi mo mukha mo!”
Tuwang-tuwa ang gaga habang hinahampas ako sa balikat.
Papunta kami ngayon sa building ng grade 12 nang may makabangga akong isang matangkad na lalaki.
Siguro nasa 20 years old? I don't know, binase ko lang sa hitsura niya.
Aksidenteng nagtama ang aming mga tingin.
His brown eyes—I love it!
“S-sorry.” mahinang saad ko.
“be careful next time.” kalmadong sabi niya saakin na nagdulot ng kaba sa buong pagkatao ko.
Seryoso lamang ako nitong tinignan at umalis na.
Mahinang kinurot ko si Marian dahil para siyang gago.
Sinabunutan ba naman ako, e.
Pagkarating sa building ng grade 12 ay natanaw ko agad si Sir Javier—ang tinutukoy ni Marian na sir pogi.
Pogi naman talaga siya.
Matangkad, malaki ang katawan, matangos ang ilong, mapulang labi, at ma-appeal.
Sinong estudyante ang hindi mahuhulog sakanya?
Madalas siyang nai-issuehan sa school dahil sa pakikipag relasyon sa estudyante.
Wala lang naman ito sa kanya dahil base sa chismis, pamilya raw ni sir Javier ang nagmamay-ari ng pribadong paaralang ito.
Tanging mga ma-pera lang ang mga nag-aaral dito, pero naiiba ako at si Marian.
Ako ay nanggaling sa mayamang pamilya ngunit nang mag-hiwalay ang magulang ko ay wala ng iba pang nag-aasikaso sa mga negosyo namin kaya nalugi. Naisangla na rin ang iba pa naming ari-arian kaya heto ako ngayon, nakatira sa simpleng bahay na may dalawang silid na para lamang saamin ng kapatid ko—ngunit kinuha siya ng daddy namin at sinama sa ibang bansa.
Si Marian naman ay scholar kaya hindi niya ganong pinobroblema .
Graduating na rin ako kaya pinagpatuloy ko na ang pag-aaral dito dahil onting tiis na lang.
Pumasok ako sa restroom ng building at nag ayos.
Pulbos lang ang inilagay ko sa aking mukha at sinuklay ang aking mahabang buhok. Simple lang, hindi ako kagaya sa ibang students sa iskwelahang ito—mga feelingera, pa-make-up make-up pa pangit rin naman pati ang ugali.
Kaurat!
Nang lumabas ako sa Cr, agad akong so sa room namin.
Hapon na kaya naman ilang oras nalang ang hihintayin bago mag uwian.
Hindi ako makapag-focus sa pakikinig kay ma'am dahil nakikita ko parin ang kanyang matang kulay lupa.
Ang kanyang mahahabang pilik-mata,
Ang kanyang mga tingin,
Ang kanyang makapal at itim-na-itim na kilay.
Hay nako!
Ano kayang pangalan niya?
At bakit...
Parang may kamukha siya? Hindi ko maalala kung sino pero sigurado akong may kamukha siya sa iswelahang ito.
“Ms. Villafuente! Are you listening?”
Malakas ang boses ni Ma’am Arjona.“Y-yes, ma’am.”
Sagot ko sakanya.Nang mag-uwian ay lutang parin ako.
Naglalakad ako papuntang cafeteria nag ki-crave ako sa shawarma at coke na parang yelo.
Nang makarating ay naupo agad ako sa may bakanteng upuan sa gilid.
Punong-puno ang cafeteria kapag ganitong oras.
Wala akong kasama dahil pinauwi na si Marian ng Tita Aliz niya.
Umorder ako ng shawarma at coke, 100 pesos pa ang tirang baon ko dahil hindi ko ito ginastos kaninang recess time. May sukli pa itong 20 pesos na sakto para sa pamasahe ko papunta sa tinatrabahuhan ko.
Nagri-resell ako ng mga branded na gamit, yung iba brand new at ang iba naman ay pre-loved pero kahit na pre loved, ay ayos pa rin ang condition ng mga gamit.
Pagkaubos ko ng shawarma ay agad akong umalis habang bitbit ang coke.
Mamaya ko nalang to iinumin.lumabas na ako sa school at pumunta sa terminal. Nilakad ko lang ito kahit medyo may kalayuan, kaya ko rin naman kahit papaano.
Naka-sakay ako ngayon sa jeep habang nakikinig sa music dahil naghihintay pa ng ilang pasahero para mapuno ang jeep at makapag byahe na.
Nang wala ng bakanteng upuan ay agad namang umandar ang jeep.
“Para po!! Manong par—aray puta!”
Malakas ang pagkakasabi ko dahil nauntog ako sa jeep pag baba.
Kanina pa ako nag bayad kaya dire-diretso akong nag martsa paalis .
Ka-stress, na‘ko!