"Ano nga ulit surname ni Shawn?" I asked her.
"He's using his mom's surname, uh... Elarez. Ang astig nga no!? Magkapangalan na kayo ng ate niya tapos pati middle name!" naka-ngiting sambit niya.
Why do I need to feel this weird feeling. Bata pa lang kami ay hiwalay na ang magulang namin, kaya nagka-hiwalay rin kami ng mga kapatid ko. Shawn Klyde Villafuente, Sean Kyle Villafuente, and Shona Kayne Villafuente. My siblings.
No! It's impossible. He's not my brother! This can't be. Ayokong makita nila ako! Ayokong mahanap nila ako! What the fuck!!
They lied. Napaniwala nila ako na bumagsak ako kumpanya namin kaya nag hiwalay ang parents ko. At ngayon, nalaman kong mayroong sikat na kumpanya na hindi kailan man napa-bagsak- ang E.V corp.
Elarez- Villafuente. Great! Napag iwanan ba naman! Totoong nag hiwalay ang parents ko pero ang sinabi nila na patungkol sa aming kumpanya ay walang katotohanan.
"Girl, you okay?" Marian asked me. Nandito na kami ngayon sa Singapore nag aaral.
"Yes. Uh, Mar.. I think you need to know this. Ayokong mag tago ng kahit na anumang sikreto sa'yo." sambit ko.
"Okay. You can tell me now if you want."
"Diba ex-boyfriend mo si Sean Elarez? And may kapatid siya, si Shawn?" Panimula ko.
"Yeah. Why?" she asked me.
"He's my Brother, Sean Kyle." kabadong saad ko. Basang-basa ako ng pawis at parang mauubusan ng hininga.
"W-what? Why didn't you tell me before? Kailan mo nalaman? Is it true?" sunod-sunod na tanong niya.
"I found out their secret,- ang tungkol sa mga Elarez at Villafuente's. Hindi pala talaga tuluyang naglaho ang kumpanya namin. Noong nakaraan ko lang rin nakumpirma ang tungkol sa bagay na ito. "
"Oh, okay! Sige kuwentuhan mo pa ako. Sinong panganay sainyong magkakapatid? Sino ang bunso? Sino ang maganda? Sino ang pogi? Where's your parents? Answer me, Javier!" Diri-diretsong sabi nito, napangiwi nalang ako sa huli niyang sinabi.
"Ako ang panganay saamin. Sunod saakin ay si Klyde- uh, Sean, Si Shona ang pangatlo at sunod si Shawn. Sa pagkaka-alam ko ay may bunsong kapatid kaming nawawala. Hindi namin siya kilala dahil bata pa lang ito noong mawala siya saamin, maaring ang pagka-wala niya ang naging dahilan ng pag-hiwalay ni mommy at daddy."
"Ang dami mo palang kapatid! At isa pa, may sariling kumpanya ang pamilya mo! I can't believe this, may bestfriend akong nanggagaling sa magarbong pamilya! By the way, anong pangalan ng mom and dad mo?"
"Selestina Elarez and Tinrome Villafuente. Galing sila pareho sa mayayamang pamilya. Sabi saakin ay nagkakilala raw sila noong highschool sila. Ang daddy ko ay sikat sa school nila because of his family, kaya't naging sila noong fourth-year highschool sila dahil si mommy ay kilala rin and she's beautiful and soft-hearted, then, nagsama sila noong nag second-year college sila at doon na ako nabuo. Kaya yun." mahabang kuwento ko.
Nakatulog kami dahil sa pagku-kwentuhan.
Naging maayos ang lagay namin sa Singapore. Lahat ay ayos. Ngayon ay nabayaran na namin ng buo ang bahay na tinitirahan namin. May pera naman kami ni Marian dahil working student kami at 2 years na rin ang ipon namin.
"Tine, What if umuwi tayo sa Pilipinas after graduation? Mabilis lang naman tayo, siguro 2-3 weeks before enrollment." saad niya.
"Okay rin, pero ayaw kong makita si Yvor." saad ko.
"Bakit? Siya ba ang ba ang magiging dahilan ng pag balik natin doon? Di naman, ah? Uuwi naman ta'yo para sa mga kapatid mo. I know you want to see them." Oo nga naman, hindi naman si Yvor ang dahilan sa pag-uwi namin.
"What do you mean? Ayos na rin dahil nakilala ko na at na-meet ko na in person si Shawn at Sean." maikling saad ko.
"My god, girl. Hindi mo pa ba alam? Tss. Your sister, Shona, she came back last week. I saw Shawn's post, magkakasama sila. Ikaw lang ang kulang, even your parents... Magkakasama talaga sila,. I think okay naman ang mom and dad mo." mahabang saad niya.
Napa-oo na lang ako sa sinabi niya.
Alas onse na kaya naman nagpag-pasyahan na naming matulog. Iniisip ko pa rin ang sinabi niyang pag babalik ng kapatid kong si Shona. I want to see her.
Second year college na ang natapos namin ni Marian. Okay naman ang buhay namin rito kumpara sa buhay namin sa Pilipinas.
Ngayon ay pabalik na kami ng Pilipinas dahil balak kong maka-usap ng personal ang mga kapatid ko. Nabalitaan ko ang pag uwi ni Shona sa Pilipinas kaya hindi kona papalampasin pa nag pagkakataong makasama ko ang mga kapatid ko.
Mamayang madaling araw pa kami darating ng Pilipinas kaya natulog muna ako."Marian, anong oras na ba?" tanong ko sa babaeng busyng-busy sa pagtitipa ng kanyang cellphone.
"12:43 pa lang, isang oras pa ang hihintayin natin pero wag ka ng matulog dahil baka tumulo pa ang laway mo." sagot niya saakin.
"Úlul, Kadiri gago! Hindi kaya!" iritadong saad ko. Humagalpak siya ng tawa at hinampas hampas pa ako.
Nasa airport na kami ngayon habang nag hihintay sa sundo.
Nag- selfie muna ako dahil napaka boring. Si Marian naman ay busy sa pag-titipa ng cellphone niya. Mukha siyang siraulo dahil tumatawa siya ng mag-isa. Kumalam ang tiyan ko kaya naman kumuha ako ng pagkain sa bag na dala ko. Ang laman ng bag ay mga junk foods. Mga sitsiryang malaki at softdrinks.
Agad kong kinuha ang isang maliit na sitsirya at saka nag hanap ng mineral water. May maliit na tumbler si Marian kaya hinablot ko ito at saka tumungga.
"Chinat ko na ang kapatid mo. Sabi ko pasundo sa airport. Medyo matatagalan pa raw siya dahil kakagising niya palang." saad niya. Tumango na lamang ako bilang sagot.
Kinuha ko ang Iphone niya at nag picture doon. Inayos ko ang straight kong buhok.