Natapos ang gabing hinding-hindi ko malilimutan.
Naalimpungatan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat.
Tinignan ko kung anong oras na at ganon nalang ang aking pagkabigla ng makita ang oras—
11:13 am!!
Napatayo ako sa kama ngunit bigla na lamang sumakit ang aking katawan at nadapa ako..
Argh! Yvor!!
Dahan dahan akong pumunta sa cr at nag babad sa aking bath tub.
Nakarinig ako ng katok kaya naman napatayo ako ng dahan-dahan at kinuha ang bath robe.
“What do you need?” iritadong tanong ko kay Yvor.
“Are you okay? I’m sorry for what happened last night.” panghihingi niya ng tawad saakin.
“I-I'm okay.. Just.. Leave.” pag iwas ko ng tingin kay Yvor.
“Okay, just call me when you need help.” sabi niya bago tuluyang nilisan ang aking kinaroroonan.
Natapos ang maghapon ng wala akong ibang ginawa kundi ang humilata.
Alas-cinco ng hapon na kaya naman nag saing na ako. Pinuwersa ko parin na tumayo kahit masakit pa rin ang balakang ko.
Pagkatapos kong mag luto ay nag order nalang ako ng ulam, limang steak at fried chicken lang ang in-order ko dahil hindi ako nagugutom.
Bahala na siya sa buhay niya kung magkulang ang ulam.
Hinugasan ko ang kinainan ko pagkatapos at pumasok na sa aking silid.
Ganito naman talaga kami,
Hindi sabay kumain, pwera nalang kung naririto ang magulang niya.
Nasanay ako sa ganon.
Sinanay niya ako.
Patulog na sana ako ng makarinig ng hagikhik sa labas.
Imposible namang si Yvor ang narinig ko dahil parang,
Parang babae..
Fuck love!
Nang marinig ko ang pag bukas ng pintuan sa kabilang silid ay dahan dahan akong lumabas at pumwesto sa may pintuan ng kwarto ni Yvor.
“Ah– Yvor.. Be gentle.”
Rinig na rinig ko ang ungol na nagmula sa kwarto niya.
Ang sakit..
Ang sakit sakit!
Kusang tumulo ang luha ko.
Hindi ko na nakayanan pa kaya naman nilisan ko ang lugar at hindi ko na alam kung anong pumasok sa aking isip,
Nag-iimpake ako.
I really hate him.
Umuulan sa labas at madilim na.
Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na hindi makalayo sa bahay na ito.
Dali dali akong lumabas ng bahay bitbit ang isang maliit na maleta na naglalaman ng mga damit at ibang gamit ko.
Sa ngayon ay hindi ko alam kung saan ako pupunta.
I just called Marian—my bestfriend
“hello, Mar.” pag tawag ko kay Marian.
“Hello, tine? Are you crying?”
Dinig kong sabi sa kabilang linya.“Lumayas ako sa bahay, Mar. M–may babae si Yvor.” I said while crying.