Prologue

25 10 0
                                    

Papunta ako ngayon sa aking bagong kumpanyang tatrabahuhan.

Nag-commute na lang ako dahil wala naman akong sariling sasakyan.

Habang papasok ako sa isang malaking building, may nakabangga akong isang matangkad, mestizo, at guwapong lalaki.
Nakapang-opisina ang suot niya.

Siguro ay dito rin siya nagta-trabaho.

"Sorry, sir.."
Nakayukong sambit ko sa lalakeng nakabangga ko.

"Oh, it's okay."

Mabilis niyang sambit at dali-daling umalis.

Tinignan ko ang aking relo kung ano oras na.

5 minutes nalang at mag si-seven a.m na!!

Mabilis akong tumakbo papunta sa elevator dahil baka ma-late pa ako sa unang araw ko.

Nang makarating ako ay hinanap ko kaagad ang opisina ng bago kong boss.

Nang mahanap ko ay kumatok ako sa pintuan kahit naka bukas naman ito.

"uh-ahh."

“...”

Mahinang ungol ang tumambad sa akin pagkarating ko sa may pinto.

Sinilip ko ito at nakita ang isang babaeng naka-upo table habang nakayuko sa isang guwapong lalake.

O.M.G

Gumagawa sila ng milagro— oh fuck!!



THIRD PERSON'S POV


Naisipan ni Selestine na umalis na lang ngunit nang makilala niya kung sino ang lalakeng nasa loob ay para siyang aatakihin sa puso.

Siya iyong naka-bangga niya kanina!

Nang mapansin ng dalawa sa loob na parang may iba, dali-daling umalis si Selestine.

Pumunta siya sa restroom para tignan ang kanyang sarili sa salamin.
Kitang-kita ang pagiging kabado niya dahil first day niya ngayon at iyon ang nadatnan niya sa loob mismo ng office nang kanyang bagong boss.

SELESTINE'S POV

Naghilamos ako at tinignan aking mukha sa malawak na salamin.

Para akong adik sa hitsura ko sa ngayon.

Nang maisipan kong baka natapos na sila sa kagaguhan nila ay agad akong lumabas para balikan ang opisina na pinuntahan ko kanina.

Napansin ko na parang wala na iyong babae kaya naman kumatok ako ulit.

Nang pag-buksan ako ng lalake ay bumati agad ako sakanya.

"Good morning, Sir. I am your new secretary, Selestine Villafuente."

Kabadong pag-bati ko sa lalake.

"Okay. You can start now. Follow me."
Sumunod naman ako sakanya .

"So this is your office. You can do it now."
Saka niya tinuro ang mga papeles na nakapatong sa table ko.

"Thank you, Sir."
Masayang bati ko sakanya.

Nang umalis siya ay agad ko namang tinignan ang mga papeles.

Sinabi na niya kanina kung ano ang dapat kong gawin kaya sinunod ko naman ito.

Pagkatapos ng araw na ito ay pagod akong humiga sa kama ng aking maliit na apartment.

Gusto ko ng matulog ngunit hindi ko magawa dahil sa nasilayan ko kaninang umaga.

Gandang bungad ah!

Mag ha-hating gabi na pero hindi ko parin maalis sa aking isip ang lalaking nakabangga ko- ang boss ko.

His brown eyes-

"Yvor Javier"

My ex-husband.

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon