“Hold this,” aniya't ibinigay saakin ang hawak niyang baril.
“Tapos?” tanong ko habang nakatingin sa hawak kong baril.
Habang inaalalayan niya ako, biglang nag ring ang phone niya. “Just wait here, 'kay? I need to answer the call”
Tinanguan ko na lang siya bago siya tumalikod. Pumunta muna ako sa maliit na kubo na naririto. Isinama niya kasi ako rito para mag relax at para maturuan akong makipag-laban.
Yvor's Pov
“Hello?”
“hahahaha” rinig kong halakhak ng nasa kabilang linya.
“Who's this? Do I know you?” I asked.
“It's a secret. Malalaman mo lang kung sino ako kapag pumunta ka sa addresa na iti-text ko.”
“I'm on vacation. You should call my brother.”
“Vacation? Don't worry, malapit lang naman sa pinagbabakasyunan niyo ni Selestine Javier, your wife. I just want you to know that you need to be ready... ” He said.
“What do you need?” I asked him.. Seriously.
“Later you will know the reason why..”
Oh my! I can't believe him!
He ended the call. Minutes later, I recieved a text message.
“sa kampo niyo.”
“hihintayin kita hanggang 7pm, kapag hindi ka pumunta makikita mo ang asawa mong nakaratay at walang buhay.”
Oh shit!
Selestine's pov
Ang tagal naman ni Yvor! Nabu-bore na tuloy ako. Ano kayang ginawa niya?
Habang patingin tingin kung saan, nahagip ng mata ko ang humagangos na si Yvor. “Selestine.” seryosong sabi niya.
“Bakit ang tagal mo?!” iritadong sabi ko.
“May pupuntahan tayo, you need to be ready, okay?”
“A-anong—”
“May kalaban. I think he’s Hendrick Ford, a heartless mafia boss.”
“A-ano? Paano? Siya ba ang tumawag sa'yo?” takang tanong ko.
“Yes. He called me... At alam niya kung nasaan tayo ngayon.”
“Anong gagawin ko? Hindi mo pa ako natuturuang bumaril.” saad ko.
“May oras pa... Tara na.”
6:30pm na nang makarating kami sa balak naming puntahan. Madilim ngunit malaki ang lugar. Minsan ay napapatigil ako nang dahil sa mga dugo na nasa daanan.
Kaninang pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng mga unipormadong kalalakihan. Marami silang baril at napaka misteryoso.
May nakahanda kaming baril ni Yvor pero hindi pa rin ako mapakali at hindi maiwasang matakot.
Agad na nilabanan ni Yvor ang kaninang nakasalubong namin. Mga kalaban pala sila, kaya naman nakipaglaban naman ako.
Habang nakikipag-patayan si Yvor, nakiki-laban naman ako sa mga kalalakihan.
Nakaramdam ako ng takot nang biglang hawakan ng dalawang lalake ang aking magkabilang kamay. Nilapitan ako ng isang malaking lalake, ka-height niya ata si Yvor. Malaki ang katawan at guwapo rin, pero sigurado akong hindi mapagkakatiwalaan ang tarantadong ito..