Chapter 6Tahimik kong ginagamot ang sugat ni tita sa labi.Wala na si Tito Francis ngayon kaya naman nalapitan ko na si tita Elena.
"Is she sleeping?"
Tanong nya na ang tinutukoy ay si Lucy.Ngumiti lang ako at tumango.
"I love them so much"
Naiiyak na wika nya habang tahimik akong nakikinig.
"I love my family...i love my son...i love my daughter so much"
Mahinang sabi nya.Natigilan ako ng marinig ang sinabi nya.May kapatid si Lucy?Pero ang alam ko only child lang sya.Paanong nangyari yon?
"Pero malupit ang tadhana sakin kaya nauwi ako sa ganitong sitwasyon na hindi dapat nararanasan ni Lucy ang masasakit na bagay na ito."
Malungkot na sabi nya habang nakatulala sa kawalan.Bumuntong hininga naman ako saka inayos yung first aid kit.
"Lucy have a brother po?"
Curious na tanong ko kay tita na maluha luhang tumango kaya naman napalunok ako ng hard.
Alam kaya ni Lucy yon?
"But he's gone and Lucy don't know about it.I don't want her to be hurt by knowing that"
Matapos ng naging usapan namin ni tita Elena ay na pag desisyunan kong umuwi na pero dumaan muna ako sa isang convinient store kasi nagugutom na ako.Anong oras nadin kasi at di pa ako nag hahapunan.Bumili lang ako ng cup noddles saka ng tinapay bago naupo dun sa table pero nagulat ako ng makita ko ron si Cj na may limang can of redhorse na wala ng laman sa table.
"Cj"
Tawag ko sa pangalan nya.Nilingon nya ako at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang namumula nyang mata na parang kakagaling nya lang sa iyak.
"Fuck!"
Mahinang mura nya saka isinuot yung hood nya.Akmang tatayo na sya pero pinigilan ko sya.Inilagay ko sa harap nya yung cup noodles para mahulasan sya.Bumili pako ng isa saka ako naupo sa harap nya.
"Kumain ka para mahulasan ka Carson"
Utos ko saka ngumiti sa kanya na parang ayos lang ang lahat kahit na nag aalala talaga ako sa sitwasyon nya.Nalulungkot talaga ako kasi alam ko may pinag daraanan syang mabigat ngayon at nakaubos nga sya limang can ng redhorse.
Alam kaya ng parents nya ito?
"Bakit parang ang unfair sakin ng lahat?Deserve ko ba lahat ng pain?"
Tanong nya habang namumungay na ang mga mata.Hindi ako nag salita sa halip ay nakikinig lang ako sa pag ra rant nya para maramdaman nyang kahit sobrang gulo na may isang ako parin na handang makinig sa kanya.
"Sa school gusto ako ng karamihan pero wala akong kaibigan maliban sayo.Sa bahay mahal daw nila ako pero they never let me find who i was really are!"
Garalgal na ang boses nya kaya nag iwas nalang ako ng tingin para di sya gaanong makaramdam ng awkwardness.Umiiyak nanaman kasi sya ngayon and i don't know what to do.
"Gusto kong maramdaman na mahal ako ng isang tao pero hindi sa paraang mararamdaman kong may kulang sakin."
Kasabay ng pag bagsak ng mga luha nya ay ang pag bagsak ng malakas na ulan.Bumuntong hininga ako kasi ang dami kong nakitang kakaiba sa araw na ito at ipinagpapasalamat ko naman na nalalagpasan ng maayos iyon.
"Bakit ikaw yung laging nandyan sa tuwing mararamdaman kong may kulang sakin?Bakit ikaw yung parating dumarating kapag pinapamuka sakin ng mundo kung gaano ako ka wasted?"
YOU ARE READING
True Love's Fury
Teen FictionThe content of this story is based solely on my mischievous imagination and any resemblance to the real events is purely coincidental.This story contain a bad words in some chapter,So if you are a very sensitive reader you can freely skip my story.