CHAPTER 18

3 0 0
                                    


Chapter 18

MIONI'S POV

Lumabas ako ng cubicle saka humarap sa salamin upang ayusin ang sarili.Sinubukan kong mag smile sa salamin upang mag pa cute pero nainis ako dahil naalala ko yung halik ni Carson kanina.Ang sarap este nakakainis!!

Walang ibang nangyari sakin ngayong hapon kundi mag cheer sa laro ni Lucy.Naging intense ang laban kanina kasi binalya si Lucy nung kabilang koponan buti nalang to the rescue yung referree dahil kung hindi siguradong pinatulan yon ni Lucy pero ang mas nakakatuwang tignan ay kung gano ka oa ang reaction ni Jayden nung natumba si Lucy sa sahig.Para syang medic na nag bibigay ng first aid sa bilis ng kilos pag lapit sa kaibigan ko.

I smell something fishy

Nag lalakad na kami papunta sa locker room ng makasalubong namin si Jayden kasama si Hans?

Magkakilala sila?

"Oh panget nandyan ka pala?"

Bungad sakin ni Hans kaya naman napatingin samin yung dalwa.

"Maka panget to ah!!"

Singhal ko sa kanya na napatawa ng bahagya.

"Magkakilala kayo?"

Sabay na tanong ni Lucy at Jayden na nag katitigan pa sabay umiwas ng tingin dahil naging awkward yung moment.kyut

"Oo kasama sya sa dinner namin last night"

Nakangiting sagot naman ni Hans saka kakamot kamot sa kilay na nag iwas ng tingin.

"Talaga?Mag kasama kayo sa dinner?"

Si Lucy na hindi makapaniwala habang titig na titig sakin at parang hinuhusgahan nya agad ako.

"Oo Na------"

Sasagot palang sana ako ng biglang mag salita si Hans na akala moy nakikipag karera sa bilis.

"Oo sa kasamaang palad.Wala nga akong ganang kumain that time kasi mukang paa yung katapat ko"

Napa 'Wow' ako ng walang tunog dahil sa amats ng lalaking to.

"Ah talaga?Ikaw nga tong nakakawalang gana kasi ambaho ng hininga mo eh"

"Kabaliktaran kaya yung sinasabi mo.Natulala kapa nga nung maamoy mo hininga ko eh"

Nag mamayabang na sabi nya at di naman ako naka imik agad kasi totoong mabango ang hininga nya.Para itago ang totoo ay sinipa ko ulit sya gaya ng pag sipa ko sa kanya nung isang gabi sa resto saka sya tinalikuran pero hinawakan nya ako sa braso saka isinandal sa pader na ikinagulat ko.Narinig ko naman ang pag bagsak ng bag na dala ni Lucy dahil siguro sa gulat.

"Nakakadalwang sipa ka na ah?Mapanakit kang babae ka!Baka gusto mong gantihan kita!"

Seryosong sabi nya sakin kaya natakot ako ng bahagya kasi baka malakas na sipa ang iganti sya sakin.Ooh no!!

"G--ga---gaganti ka!?"

Kunwaring matapang na tanong ko sa kanya na napakagat labi saka tumango ng bahagya.Napakurap naman ako kasi ang kissable ng lips nya parang ang sarap pitikin!

"Oo pa ganti nga ng kiss uhmmmm"

Nandiri bigla ang expression ng muka ko saka sya hinawakan sa kwelyo para itulak pero natigil ako ng marinig ang familiar na boses.

"Hans?"

Sabay kaming napalingon sa tawag na yon ni Amari pero ang tingin ko ay tumama kay Carson na matalim ang tingin sa kamay kong nasa kwelyo ni Hans.

True Love's FuryWhere stories live. Discover now