CHAPTER 28MIONI'S POV
Matapos ang cremation ng mama ni Samantha ay nag offer ang parents ko na dito nalang sya tumira sa bahay namin pero tinanggihan nya iyon dahil masyado raw mapanganib lalo na't hindi pa rin alam kung sino ang bumaril sa nanay nya.Nag rent ang kaibigan ko ng bahay dahil hindi na raw sya komportable roon sa bahay nila lalo na't wala na ang kanyang ina.Nag hired naman sila lola and lolo ng ilang tauhan na pwedeng lumigid sa apartment ni Sam para mabantayan sya.
Nandito ako ngayon sa apartment nya upang ipagluto sya ng makakain at ipaglaba na rin since hindi parin sya ganon ka okey.Gusto ko lang tuparin yung gusto ng mommy nya na kumain si Sam ng tama sa oras at nung nawala nanga sya ay mas naging hands on ako sa mental health ni Sam kaysa sakin.Sa umaga i tried to be energetic and full of joy when i'm with her pero pag sapit ng gabi umiiyak lang ako at nag kukulong sa kwarto dahil hanggang ngayon nasa isip ko parin ang nakita ko sa condo ni Carson.
"Yow Samantha let's eat na!!Nag luto ako ng paborito mong afritada hehe pede mokong murahin pag di masarap"
Biro ko sa kanya na walang ganang bumangon saka naupo sa sahig dahil wala syang mini table kaya dito kami kakain.
"Hanggang kelan mo ko dadamayan?
Tanong nya sakin habang ako ay dali daling inilalagay sa harap nya ang pagkain.
"Hanggang sa maging okey kana"
Sagot ko saka kinuha ang kamay nya para iabot ang kutsara.
"Hindi kaba napapagod na araw araw akong ipagluto at puntahan dito?"
Naluluhang tanong nya saka sumubo ng kanin.Naiiyak rin ako kasi ramdam na ramdam ko yung hiya at lungkot sa kanya pero pinilit kong ngumiti sa kanya.
"H--hindi naman!Hindi naman ako napapagod"
Sagot ko sa kanya na humikbi na dahil iiyak nanaman sya pero inagapan ko yung luhang papatak sa mata nya.
"Huwag kanang umiyak dyan!Hindi ako napapagod ha?Kaibigan kita kaya dadamayan kita pati si Lucy mamaya nandito ulit sya at kung ayaw mong mamura nya ay kumain kana"
Sabi ko sa kanya na tumango lang saka kumain.Matapos non ay hinugasan ko na yung pinggan saka inantay ang pag dating ni Lucy para samahan sya dito mamayang gabi at ako naman ay makikipag kita kila mommy and daddy tas dideretso kami sa presinto upang manghingi ng update sa investigation.
"Sa ngayon po ma'am ay nakikipag uganayan na po kami sa management ng mall upang makita ang cctv footage ng gabing yon"
Seryosong sabi ng pulis na syang nag hahawak sa kaso ng mama ni Samantha.Sa nag daang mga araw nanatiling tahimik ang kampo nila Francis matapos etong ma interview at sinabing sya ay inosente.
Sinungaling!
"Thank you po basta update nyo po kami agad kung may balita na sa suspect"
Pasasalamat ni daddy saka nakipag kamay doon sa pulis.Lumabas na kami ng presinto saka sumakay sa kotse.
"Matapos lang ang kasong yan aalis na tayo ng bansa"
Maya maya'y sabi ni mommy sakin kaya naman napaayos ako ng upo.
"Bakit mom?"
"Nag desisyon na kami ng daddy mo na doon na tayo titira for good and para hindi na rin tayo magkaron ng problema kila dad saka isa pa you can choose whatever you want to take in college ng hindi na ipinipilit sayo dahil ayaw naming mag suffer ka anak"
Nakangiting sagot ni mommy sakin.Natahimik naman ako dahil hindi ko talaga gustong mag law and best idea na doon na kami tumira for goods pero naisip ko si Lucy saka Samantha na dapat bago kami umalis ay settle na ang safety nila maliban sa kanila ay wala na rin namang reason para mag stay pa dito.
YOU ARE READING
True Love's Fury
Teen FictionThe content of this story is based solely on my mischievous imagination and any resemblance to the real events is purely coincidental.This story contain a bad words in some chapter,So if you are a very sensitive reader you can freely skip my story.