CHAPTER 01

691 27 5
                                    

ERION

Monday

Nagising ako na may ngiti sa labi. I can't forget that girl na hanggang sa panaginip ko ay nagpapakita siya. Sana makasalubong ko siya ulit sa daan para ako naman manggugulo sa kaniya. Sinuot ko na ang uniform ko para pumasok sa school dahil nagbabaka sakali ako na makita ko siya ulit, kaso nakakatamad mag-aral pero kailangan para makahanap ng trabaho na may mataas na sahod. Dali-dali akong sumakay sa motor ko na naghihingalo na para hindi ako ma-late sa klase, at sa bilis ng pagpapatakbo ko ay may babae akong muntikan masagasaan. Huminto agad ako para makita kung ayos lang ba siya.

"Sorry, miss. Nagmamadali kasi ako," paliwanag ko sa kaniya para hindi siya magalit.

"Sorry? Paano kung namatay ako dahil sa'yo? Mabubuhay ba ako ng sorry mo?" Galit na galit na sagot niya sa akin. Nag-sorry na nga ako para hindi na siya magalit kaso mas lalo pa atang nagalit. Lumingon siya sa akin at doon ko nakita ang maganda niyang mukha.

Si Miss Cute Face pala 'to eh.

"Miss Cute Face, ikaw pala 'yan. Sabi na nga ba destiny tayo kaya nagkita tayo ulit," masaya kong saad sa kaniya. Nakakatuwa na walang effort para mahanap ko siya ulit. Sobrang swerte ko naman pala talaga.

"Ha! May gana ka pang matuwa sa sitwasyon na 'to, kupal ka talaga kahit kailan!" May halong pang-gigigil niyang singhal sa akin

Grabe, parang gusto manakit.

"Kalma lang Miss Cute Face, hindi ka ba masaya na nagkita tayo ulit? Tampo na ako n'yan," kunwaring malungkot kong saad sa kaniya. Tumawa siya nang sarkastiko at sinamaan ako ng tingin.

"Ang tigas talaga ng mukha mo! Bwisit ka!" Pikon na pikon niya akong sinigawan habang hinahampas ako. 'Di ko maiwasang mapatitig sa kaniyang mukha, napakaamo tignan kahit na maldita siya. Nakakakilig pagmasdan. Tila isang bihirang likha ng isang napakahusay na manggagawa.

Nag-isip ako kung ano ba ang maaari kong gawin para hindi na siya magalit sa akin.

"Sorry na, 'wag ka na magalit sa'kin. Gusto mo hatid na lang kita kung saan ka pupunta?" I asked her sincerely with a genuine smile. Bahagya siyang napahinto at napaisip bago tumango nang may halong inis.

"Pasensya ka na't wala akong helmet, kulang kasi ang pera ko pero 'wag ka mag-alala hindi tayo mahuhuli," natatawa kong dugtong sa aking sinabi. Kung may pera lang talaga ako ay bibili ako ng helmet kaso nganga ako rito.

"Hindi ako makapaniwala, ikaw ata talaga ang papatay sa akin! Paano kung nabangga tayo, ha?" Panenermon niya sa akin. Parang isang nanay siya kung manermon.

Nanay ng magiging anak ko, sheesh.

"Don't worry Miss Cute Face, buong-buo tayong makakarating sa pupuntahan natin. Saan ka nga pala?" Pagpapakalma at tanong ko sa kaniya. Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan bago niya naisipang sumagot sa akin.

"Hindi ka naman criminal na magiging stalker ko?" Puno ng pagdududa niyang tanong.

Napakasakit sa puso, napagkamalan pa akong criminal.

"Sa guwapo kong 'to, mukhang criminal? Suwerte naman ng susundan ko kung ganoon," maangas kong sagot sa kaniya. Totoo namang guwapo ako, lagi nga akong tinatawag ng mga babaeng may talong para maka-bonding ako.

Kumunot ang kaniyang noo bago ako sinipat mula ulo hanggang paa. Ang sungit niya tumingin at mahahalatang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now