CHAPTER XI

300 17 0
                                    

ERION

Natapos na namin yung movie at nakatulog naman sa balikat ko si Dana baby. Binuhat ko siya at nilipat sa kama para hindi siya mangalay sa sofa. Pinagmasdan ko ulit ang itsura niya bago ko siya halikan sa ulo.

Ang saya siguro kung mukha niya palagi ang bubungad sa akin tuwing gigising ako. Sisiguraduhin ko talagang mangyayari yun, antay lang siya at ikakasal kami balang araw.

"Boss.."

May narinig akong boses kaya magtago ako at sumilip, may mga lalaking nakaitim tapos nasa gitna yung tinawag niyang boss.

Mukhang daddy ata 'to ni Dana baby. Nakakatakot yung itsura niya, mukhang dragon din. Napansin ko na may suot siyang kwintas na hugis agila.

Napakunot ang noo ko dahil parang nakita ko na yun noon at hindi ko maalala masyado. Yun ata yung nakita ko na naka-display nung nag-tour kami pero hindi ako sigurado.

Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso pauwi na ako, hapon na at malapit na rin dumilim kaya binilisan ko na.

Matapos kong gawin lahat pagkauwi ko ay matutulog na ako. Sa bawat pagpikit ko ay nakikita ko yung kwintas, naiinis na ako kasi puro kwintas na lang naiisip ko. Nakaraang gabi binangungot na ako dahil dun tapos ngayon panibago na naman. Hays talaga.

Tuesday

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kaya puyat ako ngayon, inaantok ako gusto ko lang matulog. Pagkarating sa room ay dire-diretso lang ako papunta sa upuan ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko.

"Mukha kang nag-shabu", natatawang sabi sa akin ni Danaea.

Tumango na lang ako sa kaniya bago tumingin sa kawalan, hindi ko alam ang isasagot dahil blanko ang utak ko ngayon.

"Huy, anong nakain mo?" Sinusundot niya ako pero hinahayaan ko lang siya at hindi ako sumasagot.

"Erion pogi", bulong niya sa akin kaya tinignan ko siya.

Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya nabuhay ang diwa ko.

Patuloy niya lang akong kinukulit hanggang sa mag-recess na, nabawasan naman yung pagkaantok dahil dun kasi ang cute niya mangulit.

Bigla siyang tumigil sa kakakulit sa akin at tumayo papunta sa pinto ng room. Sinundan ko naman siya ng tingin at nakita kong nandoon si Francine.

Away na naman 'to hays.

Sumunod naman ako sa kaniya at narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Ginagawa mo rito?" Mataray na tanong ni Dana baby.

"Pakialam mo? Hindi naman ikaw ipinunta ko rito." Umirap naman si Francine kaya mukhang handa na manugod si Dana baby.

Hinawakan ko siya sa braso para mapigilan siyang sumugod.

"Girlfriend ko si Danaea." Inakbayan ko naman siya bago tinignan nang malamig si Francine.

Nagulat naman silang dalawa pero kumapit siya sa braso ko nang makabawi bago ngitian nang nakakaasar si Francine.

Hinila ko naman siya pabalik sa upuan namin, nakita ko pa na hinarap niya ulit si Francine at dumila doon. Napapadyak naman yung isa bago umalis nang padabog.

"Mapang-away ka talaga", sermon ko sa kaniya bago ko dinutdot ang ulo niya. Napadaing naman siya bago ngumuso.

"Siya kaya laging pasimuno ng away", pagdepensa niya pa sa sarili niya.

Ginulo ko na lang ang buhok niya bago ko siya inaya papunta sa canteen. Habang naglalakad kami ay magkahawak ang kamay namin, malawak ang ngiti ko dahil sa wakas payag na siyang hawakan ko ang kamay niya.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now