CHAPTER XVII

360 14 0
                                    

ERION

Tuesday

Nagising akong bumungad sa akin ang magandang mukha ng mahal ko habang nakayakap siya sa akin. Napangiti naman ako dahil ang sayang siya agad ang bubungad sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko.

Kumuha ako ng ribbon at itinali sa alaga kong nasa loob ng boxer ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa alaga ko. Nagising naman siya agad at tinignan ang nahahawakan niya.

"Happy birthday, Dana baby! Surprise gift ko sa'yo", masayang bati ko sa kaniya habang inaangat-baba ang kamay niya sa aking pagkalalaki.

"Ang aga-aga, Erion!" Natatawang sigaw niya sa akin bago tumalikod at natulog ulit.

"Bumangon ka na, may pasok pa tayo", sabi ko sa kaniya habang hinihila siya patayo sa kama.

Binuhat ko siya na parang bagong kasal kami at inikot-ikot para magising ang diwa niya.

"Ano ba! Nakakahilo", kinurot naman niya ako kaya ibinaba ko siya agad.

Sabay kaming naligo at nag-ayos na kami pagkatapos para makapasok na. Wala naman kaming gagawin masyado pero kailangan pa ring pumasok, hays.

Pagkarating namin sa room ay naabutan namin silang nagtatawanan, inaasar nila si Yesha at sinasabihan ng kung anu-ano. Wala naman kaming ginawa ni Dana baby at hinayaan lang sila sa gusto nilang gawin. Deserve.

"Dana baby, kandong ka sa akin", sabi ko sa kaniya habang hinihila siya palapit sa akin.

"Baliw ka ba? Nasa room tayo", masungit niyang sagot sa akin.

Napanguso na lang ako at hinawakan na lang ang kaniyang kamay habang nilalaro, lumipas ang mga oras na walang magawa sa room kaya inaya ko ng umalis si Dana baby.

"Tatakas na naman tayo?" Naiinis niyang tanong sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at hinila na siya papunta sa dinaanan namin noon.

Pagkababa namin sa bakod ay agad ko siyang hinila patago para walang makapansin namin, may daanan sa gilid kung saan naka-park ang motor ko kaya naman walang nakakita sa amin. Pinaangkas ko na siya at mabilis na pinaandar ang motor para makarating kami agad sa apartment.

"Nood tayo movie", pag-aya ko sa kaniya.

"Nood lang ha", paalala naman niya kaya tumango ako sa kaniya.

Habang inaayos ko ang panonoorin namin ay nagpa-deliver na siya ng magiging lunch namin. Pinili kong movie ay sleeping beauty dahil mahilig siya sa disney princess, lumiwanag naman ang itsura niya nang makita ang palabas.

"Huy saan galing yang CD mo?" Excited niyang tanong sa akin.

"Nangalkal ako sa mga nasa ilalim d'yan tapos nahanap ko mga disney movies kaya tinabi ko para sa'yo", nakangiti kong sagot sa kaniya.

Umupo naman na kami at sinimulan ng manood, sumusulyap-sulyap ako sa kaniya dahil malawak ulit ang kaniyang ngiti. Kahit paulit-ulit kong makita ang ngiti niya ay paulit-ulit din akong namamangha at nahuhulog sa kaniya. Hinawakan ko siya at pinahiga sa hita ko, napalunok ako dahil nakadikit ang pisngi niya sa espada ko.

Ipapahawak ko sana sa kaniya nang biglang may kumatok sa pinto.

"Ako na kukuha." Nakasimangot ako nung binuksan ko ang pinto at kinuha ang pagkain dahil nasira ang plano ko pero nagpasalamat pa rin ako sa nag-deliver at nginitian ito.

"Lapag mo na dali", excited na utos ni Dana baby.

Binuksan niya lahat ng order niya at natakam naman ako dahil ang dami. May lasagna, chicken with cheese, cake, tsaka softdrinks. Masaya kaming kumakain habang itinuloy ang panonood, napapasayaw-sayaw pa siya dahil sa sobrang saya niya. Ang cute niya talaga.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now