CHAPTER XII

307 16 0
                                    

ERION

Wednesday

Maaga talaga akong gumising ngayon kasi gusto kong sunduin si Dana baby. Boyfriend things, may karapatan na ako ngayon. Pagkauwi ko kagabi halos magdamag lang din kaming magka-chat, mga alas dose na ata kami natulog kaya 5 hours lang tulog namin. Pwede na rin kesa wala diba.

Mahal ko <3 is online

Gising na ba u? :Erion

Mahal ko <3: Tulog pa.

Ay sayang, sunduin sana kita :Erion

Mahal ko <3: Bilisan mo.

Natawa naman ako dahil ang aga ay masungit siya, parang kagabi lang gusto niya ng lambing tapos ngayon parang ayaw sa akin. Mabilis naman akong kumilos para masundo ko na siya dahil mukhang handa niya na akong sakmalin kapag natagalan pa ako.

Pagkarating ko ay nakita ko siyang nakahalukipkip at nakasimangot sa akin.

"Aga aga nakasimangot ang mahal ko", bati ko sa kaniya bago ko siya hinila para yakapin. Tinulak naman niya ako bago ako samaan ng tingin.

"Ang tagal mo, kanina pa ako nakatayo rito", inis niyang sabi bago umirap.

"Don't be angry na, mahal ko", paglalambing ko pero hindi niya ako tinitignan. Magsasalita pa sana ako ulit nang nakita ko na may kotseng lumabas sa gate nila.

"May kotse naman pala kayo, bakit commute ka lagi?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ayokong makaabala sa oras ni daddy, tara na 'wag mo na yun pansinin", wala sa mood niyang pag-aya sa akin.

Hindi naman na ako nagsalita pa at pinaandar ko na lang ang motor. Pagkarating sa school ay aalis na sana siya agad pero hinawakan ko ang kamay niya at pinagsaklob ang mga daliri namin. Gusto kong ipaalam sa lahat na girlfriend ko si Dana baby at para wala ng iba pa na magtangka lumapit sa kaniya.

Pagpasok namin sa room ay napatingin silang lahat sa amin.

"Oy magkahawak kamay na oh!"

"Enemies to lovers yarn"

"Haba ng hair ni Danaea!"

"Tumabi kayo baka maapakan ang buhok!"

Sunud-sunod nilang pang-aasar sa amin. Malaking ngiti naman ang binigay ko sa kanila habang si Dana baby ay nahihiya na nakayuko.

"Malakas karisma ko kaya nahulog si Dana baby sa akin", maangas kong sabi kaya nagsitawanan sila.

"Baka kamo ginayuma mo", singit naman ni Yesha.

Hindi ko na sila pinansin pa dahil hiyang-hiya na ang mahal ko. Napakasungit pero napakamahiyain. Palong-palo makipag-away pero tameme kapag nasa kaniya atensyon. Kahit ganiyan siya eh mahal ko pa rin siya syempre.

"Uy hindi ka na nagsalita d'yan." Sinilip ko ang itsura niya at nakita kong pulang-pula ang mukha niya. Kakalabitin ko pa sana siya nang dumating teacher namin.

Ang aga naman, inagahan na nga namin pasok para may time pa tapos aga pumasok ni sir.

PE pala namin ngayon.

"Kailangan niyo sumayaw para sa grades niyo, tatawagin ko pangalan ng mga magkakagrupo"

Nagsimulang magtawag si sir at umaasa akong magkasama kami ni Dana baby. Inaantay ko mabanggit ang pangalan ko para makasama sa grupo nila pero hindi sinabi ni sir.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now