CHAPTER 03

370 24 3
                                    

ERION

Wednesday

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa inasal kahapon ni Dana baby, parang sinasapian siya ng iba't ibang multo kaya mabait at masungit siya. Bago pumasok ay naisipan kong maligo at kumain, hindi pa naman ako ganoon kadugyot para hindi ulit maligo tsaka may extrang pera naman ako kaya ayos lang na kumain ako ngayon.

Tinignan ko ang oras at nakita kong maaga pa naman pero papasok na ako para masilayan ko agad ang ganda ni Danaea. Inayos ko ang pinakamamahal kong motor para makaalis na ako, hirap na siya mag-start pero ayos na 'to mailalaban pa. Habang tinatahak ko ang daan, may napansin akong pamilyar na mukha.

Si Dana baby ko. Pinuntahan ko agad siya para masilayan niya ang aking guwapong mukha.

"Dana baby, kamusta ka na?" Pagbati ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin at tinignan ako na tila naaawa siya.

"Magkasama lang tayo kahapon, parang ewan ka." Pagkasabi niya ay inirapan niya ako.

"Expired na ba 'yong free trial ng kabaitan mo kahapon?" Pang-aasar ko sa kaniya kaya nakatanggap na naman ako ng suntok galing sa kaniya.

"Kailan ka ba magsasawang pikunin ako?" Naiiritang sabi niya sa akin. Bumaba ako sa motor para hawakan siya sa balikat at alugin.

"Masarap kang pikunin kaya hindi ako magsasawa." Inaalog ko siya kaya tinulak niya ako palayo sa kaniya.

"Parang gago naman 'to!" Nakasigaw niyang sabi sa akin bago naglakad palayo. Hinabol ko siya para ayain siyang sabay na kami pero paghawak ko sa braso niya ay sinampal niya ako. Nabigla siya sa kaniyang ginawa pero sinamaan niya pa rin ako ng tingin.

"Ano na naman? Kung aayain mo ako p'wes hindi ako sasabay sayo!" Tinalikuran niya ako at napahawak ako sa aking pisngi dahil humapdi ito. Ang bigat ng kamay niya kahit payatot.

Pinagmamasdan ko siyang maglakad papunta sa sakayan bago ko naisipang sundan ang sinakyan niya para kahit hindi siya sumabay sa akin ay parang magkasama na rin kami.

Ilang minuto ang lumipas nang makarating na kami sa school, at nakita ko siyang bumaba pero hindi ko siya nilapitan. Sinusundan ko siya sa malayo para hindi niya mapansin na nasa likod niya ako, at nakaisip naman ako ng kalokohan kaya binilisan ko ang paglakad para gulatin siya.

"Ay pu-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko agad ang kaniyang bibig. Mahirap na baka marinig na naman siya ng teacher at ma-guidance na naman kami.

Mabilis niyang inalis ang pagkahawak ko sa kaniyang bibig at sinamaan ako ng tingin.

"Bwisit ka! Dugyot mo baka kung saan mo pa pinanghawak 'yang kamay mo," nandidiring sabi niya sa akin. Natawa ako sa kaniya bago ko inamoy ang palad ko.

"Baho naman ng laway mo Dana baby," pang-aasar ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo bago ako sinipa sa binti. Damang-dama ko ang sakit dahil sa buto ko tumama pero mas okay na 'to kaysa naman sa bola ng buhay ko.

"Ayan buti nga sa'yo, aga-aga nambubwisit ka." Umirap siya sa akin habang nakangiwi. Irap nang irap patirikin ko kaya mata nito.

"Alam mo Erion, natatakot na ako sa'yo. Nakaraan ngumingiti ka mag-isa, ngayon naman nakangisi ka. May masama ka bang balak sa akin?" Nambibintang niyang tanong sa akin.

Grabe siya mag-isip pero totoo naman. Balak ko siyang pakasalan. Panis, ilang araw pa lang magkakilala pero nakikita ko na siya sa future ko. Ganoon ako kalupit.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now