CHAPTER XIV

316 15 0
                                    

ERION

Hindi na niya ako sinundan pa nung nagpahangin ako sa labas. Hinayaan na niya ako, siguro wala na rin siyang gana makipag-usap pa dahil mayroon naman na siyang kaibigan na magpapasaya sa kaniya.

Magsisimula na ang performance at kami ang mauuna. Isasantabi ko muna ang nararamdaman ko para maging maayos ang daloy.

"Erion..."

Hindi ko na siya tinignan pa at pumwesto na agad, pinilit ko pa rin ngumiti habang sumasayaw para lang hindi makasira ng performance.

Maayos naman naming natapos ang pag sayaw na walang problema, masaya rin ang reaction ng teacher namin. Sila Danaea naman ang sunod na sasayaw.

Mahahalata sa mukha niya na kinakabahan siya, habang sumasayaw sila ay may kakaiba sa paghawak sa kaniya ng partner niya.

Hinihimas nito ang bewang niya hanggang sa hita at pasimpleng pinipisil ang pisngi ng kaniyang likuran. Hindi ko mapigilang magalit at saktong pagkatapos ng sayaw nila ay sinugod ko ang lalaki.

"Hayop ka!" Sigaw ko habang walang tigil kong sinusuntok ang pagmumukha niya.

Mabilis namang pumunta ang mga kaklase namin at teacher namin para awatin ako pero wala akong pinapakinggan ni isa sa kanila.

"Ang lakas ng loob mong bastusin ang girlfriend ko!" Tinadyakan ko pa ang mukha niya bago ako hinawakan sa magkabilaang braso ng mga teacher namin kaya tumigil na ako.

Dinala naman kami sa guidance office para alamin ang buong nangyari, nangangati pa rin ang kamao ko na sapakin yung kupal na yun pero pinapakalma ako ng mga kaklase ko.

Tinignan ko si Danaea at nanginginig siya, nilapitan ko siya agad para yakapin at umiyak naman siya sa akin.

"Bakit mo siya binugbog, Mr. Escalona?"

"Binastos niya po ang girlfriend ko kaya dapat lang yan sa kaniya!" Susugurin ko pa sana ulit yun pero pinigilan na ako ni Danaea.

"Hindi yun totoo, seloso lang talaga 'yan kaya nanugod"

"Manyak po talaga 'yang si Carl, marami po kaming nakakita sa ginawa niya", pagsingit naman nila Yesha.

Nagpasya ang guidance na hindi na ako bigyan ng suspension dahil pinagtanggol ko lang naman ang mahal ko habang 3-week suspension naman ang binigay sa kupal.

Ang dapat doon ay expulsion para hindi na makapambastos ng ibang babae pa.

Pinayagan naman na umuwi muna si Danaea kaya sumama ako sa kaniya, pagkarating sa bahay ay idiniretso ko siya sa kwarto niya para makapagpahinga siya.

"Gusto mo kumain?"

"Ayaw ko, gusto ko lang humiga", nanghihina niyang sagot sa akin.

Tinabihan ko naman siya at niyakap para gumaan man lang ang pakiramdam niya, yumakap siya pabalik at isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko.

"Kahit may hindi tayo pagkakaintindihan, poprotektahan pa rin kita mahal ko", bulong ko sa kaniya bago siya hinalikan sa ulo.

Narinig ko naman siyang humihilik na kaya naman ipinikit ko na rin ang mga mata ko para dalawa kaming matulog.

~

"Señorita Danaea"

"Señorita, nandito na po ang señor"

Nagising ako dahil sa biglaang pagbangon ni Dana baby. Pagkalingon ko sa pinto ay nakasilip ang daddy niya kaya napatayo agad ako at bumati.

"Sumunod kayo sa akin", kalmado pero ma-otoridad na sabi ng daddy niya.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now