CHAPTER XIII

310 15 0
                                    

ERION

Thursday

Nasa room na kami ngayon ni Dana baby dahil sinundo ko ulit siya pero wala sa akin ang atensyon niya. Nagtatampo na ako dahil simula kagabi ay si Yesha na Ang kausap niya. Hindi niya ako mareplyan agad kagabi dahil busy siya sa chika nilang dalawa.

Kaunti na lang ay magseselos na ako sobra sa kanila, parang sila pa yung may relasyon kung mag-usap. Nakasimangot lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Paano ba kayo nagkakilala ni Erion?"

"Kaskasero kasi magdrive 'yan, muntikan niya ako masagasaan noong first day ko rito", natatawang kwento ni Dana baby. Ako na naman pinag-uusapan nila na parang hindi ko sila naririnig.

Nag-aya naman sila na magpractice kami para sa sayaw dahil excused naman kami sa ibang subjects para sa performance bukas. Habang sumasayaw ay kinakausap ako ni Yesha.

"Palagi kang kinukwento sa akin ni Danaea"

Hindi naman ako sumasagot sa kaniya at hinahayaan lang siyang magsalita.

"Halatang mahal na mahal ka niya"

Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Pinagseselosan ko siya kaya wala ako sa mood na makipag-usap sa kaniya.

"Bakit hindi ka madaldal ngayon?"

"Hindi naman kasi ikaw si Danaea", sagot ko sa kaniya kaya natahimik siya.

Ayokong maging rude pero hindi ko mapigilan. Kahit babae pa siya ay nagseselos pa rin ako. Ganun ko kamahal si Dana baby ko.

Buong umaga ay practice lang ginawa namin at sa wakas ay natapos na ngayon. Lumapit naman ako kay Dana baby para ayain siyang maglunch na para makapagdate kami pagkatapos.

"Mahal---"

"Erion, lunch daw tayo sabi ni Yesha. Treat niya raw", hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay naunahan na niya ako. Napasimangot naman ako dahil gusto ko sanang ma-solo siya kaso may third wheel na naman hays.

"Mukhang ayaw ata ako kasama ni Erion", malungkot na sabi ni Yesha kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Dana baby.

"Uy, hindi no. Ayos na ayos lang kaya, mas okay nga na marami tayong sabay-sabay kakain tapos libre pa diba", kunwaring masayang sabi ko kahit na gusto ko talagang kaming dalawa lang ni Dana baby. Hindi ko naman sila pwedeng pigilan sa gusto nila dahil siya ang unang kaibigan ng mahal ko kaya hindi ko aalisin ang magpapasaya sa kaniya.

Pumunta naman kami sa canteen para kumain na. Dalawa kami ni Yesha ang bibili para may katulong sa pagbuhat ng pagkain, baka kasi matapon ko kapag ako lang. Kayang-kaya ng muscle ko magbuhat nang maramihan, delikado kung malaglag wala akong pambayad.

"Erion, pasensya kung sumama ako sa inyong dalawa ah"

"Ayos lang basta masaya si Danaea." Kinuha ko na agad ang pagkain namin ni Dana baby at dinala na sa kaniya. "Ang paborito ng mahal ko"

Inilapag ko sa harap niya ang shawarma rice na dinadala siya sa langit sa sarap, parang ako lang hays. Sinimulan na naming kumain at nag-uusap ulit sila.

HIndi na sila naubusan ng mapag-uusapan, hindi na naman ako napapansin ni Dana baby. Sakit naman niya magkaroon ng kaibigan, nakakalimutan akong pansinin hays. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya silang pumunta sa mall para magtingin-tingin ng mga damit.

Wala akong nagawa kundi sumama para mabantayan si Dana baby. Commute lang kami dahil hindi kami kasya sa motor, pagkarating namin sa mall ay nakakapit si Dana baby sa braso ni Yesha imbis na sa akin.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now