CHAPTER XVIII

321 10 0
                                    

ERION

Tuesday - Second day

Alas sais pa lang ng umaga pero papunta na ako sa bahay nila Dana baby. Naisipan naming maaga pumunta sa Baguio dahil tatlong oras ang byahe, malamig naman doon kaya hindi problema kahit gumala kami nang tanghaling tapat.

Pagkarating ko ay nasa labas na siya agad habang kumakaway sa akin, hindi halatang excited siyang pumunta sa Baguio dahil nakasuot lang naman siya ng makapal na jacket kahit mainit dito. Napailing na lang ako sa kaniya bago lumapit at salubungin siya na may malaking ngiti sa labi.

"Ito yung binili kong jacket para sa'yo, suotin mo dali", sabik niyang sabi sa akin habang isinusuot sa akin ang jacket.

Hindi na ako umangal pa at hinayaan siya sa gusto niya kahit na naiinitan ako, tinatawanan ko siya dahil sa sobrang pagmamadali niya na maisuot sa akin ay hindi niya ma-shoot sa butas ang kamay ko.

"Dahan-dahan lang kasi, walang competition sa pagsuot ng jacket". natatawa kong sabi sa kaniya na nagpatawa rin sa kaniya.

"Pinahiram sa atin ni daddy yung car niya", nakangiti niyang sabi sa akin.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil nagsisimula na silang magkaayos ng daddy niya.

Wala kaming ibang dadalhin maliban sa extrang damit at maliit na bag, wala pa kaming lisensya kaya kasama namin ang driver nila sa pagbyahe.

Hindi naman yun problema, mas marami mas masaya. Pero gusto kong masolo si Dana baby.

"Hindi ako makapaniwala na pinahiram tayo ni daddy", nakangiti niyang sabi sa akin habang nagsimula nang umandar ang sasakyan.

"Sign na 'yan para magkaayos kayo, Dana baby." Kinurot ko ang pisngi niya na nagpadaing sa kaniya.

"Makakurot ka naman 'kala mo ulam ako", galit niyang sabi sa akin.

"Inuulam naman talaga kita", mahina kong bulong sa tenga niya kaya nakatanggap ako ng hampas.

Inakbayan ko siya at ipinahiga sa balikat ko, mahaba-haba ang byahe kaya naisipan naming matulog muna dahil maaga kaming nagising.

~

"Señorita, señorito. Nandito na po tayo"

Napamulat ako dahil sa pagkalabit ni Kuya Jun, driver nila. Grabe señorito tawag sa akin, parang yayamanin na ako nyan.

Kinilabutan ako dahil sa sobrang lamig, malamig sa Baguio tapos bukas pa aircon. Sinong 'di giginawin sa ganun.

Nilingon ko si Dana baby, mahimbing pa rin ang tulog niya. Yumuko ako at hinalikan siya sa labi kaya napadilat siya.

"Gising na si Sleeping Beauty", pang-aasar ko sa kaniya kaya napanguso siya.

Pagkababa namin ng sasakyan ay bumungad sa amin ang maraming puno rito sa may Burnham Park, ang tataas kaya nakakatakot kung biglang bumagsak.

"Kuya Jun, sama ka po sa amin", pag-aya ni Dana baby.

"Nako señorita nakakahiya, hindi na po", nahihiyang sagot ni Kuya Jun.

"Kung ako sa'yo Kuya Jun, sasama ako dahil manlilibre si Dana baby", panghihikayat ko kaya tinitigan ako nang diretso ni Dana baby. "Joke lang, ako yung manlilibre talaga."

"Nakakahiya po talaga pero sino ba ako para tumanggi pa, salamat po", masayang sagot ni Kuya Jun.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad at naisipan kong kuhaan ng litrato si Dana baby.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now