Repay
"Não posso dizer quem realmente sou, mas alguém está procurando por mim e quer me matar (I can't tell you who I really am, but someone is looking for me, and they want to kill me)."
Mas lalong rumehistro ang takot sa mukha nina Antônia at Carlos dahil sa sunod kong sinabi.
"Eu vou entender se você quiser que eu vá embora depois de ouvir o que eu disse, mas sei que você também precisa do dinheiro, então vou procurar um emprego para pagar os dias que passei aqui em sua casa (I will understand if you want me to leave after hearing what I've said, but I know you need the money too, so I will look for a job to pay you for the days I've spent here in your home)."
Tahimik pa rin ang mag-asawa habang nakatitig sa akin, pero makalipas ang ilang segundo ay nagtinginan sila.
Ibinalik na muna sa akin ni Antônia si B dahil mag-uusap daw muna silang mag-asawa. Pinanuod ko lang ang pagpunta nila sa kusina at naghintay nang ilang sandali para sa kanilang pagbalik.
Nakita ko ang pag-aalangan sa kanilang mga mukha bago nila ako iniwan kaya hinanda ko na ang sarili ko sa kanilang sasabihin dahil nararamdaman kong kailangan ko nang lisanin ang lugar na ito anuman mang oras ngayon.
"Desculpe (Pardon)?" Pagtataka ko dahil iba ang kanilang sinabi sa iniisip ko.
"Vamos deixar você ficar aqui e dar-lhe um emprego até que você nos pague e ganhe dinheiro suficiente para sair (We'll let you stay here and give you a job until you pay us and make enough money to leave)." Pag-ulit ni Antônia sa nauna na niyang sinabi sa akin.
"Minha loja precisa de um caixa, então vou deixar você conseguir o emprego por enquanto (My store needs a cashier, so I'll let you get the job for the time being)."
Ako naman ang nakatitig sa kanila dahil hindi makapaniwala sa mga narinig.
"Você acabou de dar à luz, então deve começar a trabalhar no próximo mês, certo (You just gave birth, so you should start working next month, alright)?" Ani Antônia.
"Muito obrigado (Thank you so much)." I said that to them and nodded with joy.
Taltlo hanggang limang buwan lang dapat ang plano kong manatili pa kina Antônia at Carlos, pero habang nagtatrabaho ako ay hindi ko namalayan ang mga araw, hanggang sa lumipas na ang isang taon simula ng ipinanganak ko si B.
Sinasama ko siya sa tuwing papasok ako sa health food store nila Carlos sa bayan. Tahimik lang siya at umiiyak lang saglit kapag gutom na o kaya gusto nang matulog.
He already looks a lot like his father, but from an early age, I can already tell that he will take his attitude too. The only thing he got from me was my love for animals.
He will only feel excited when he sees stray dogs or cats nearby, and he really loves the plush horse that I bought for him a few days before he turned one year old.
"Mam...ma!"
"Be careful, my love."
Parang kailan lang noong pinanganak ko siya, ngayon kaya niya nang tumayo mag-isa at paunti-unti na ring nakakalakad kapag inaalalayan o kapag nakahawak siya sa sofa.
"Let's practice walking again later, once we get home, okay?" Untas ko pagkatapos siyang kargahin.
Kailangan na kasi naming umalis dahil bubuksan ko na ang store.
Maayos at tahimik ang naging araw namin ni B sa store, pero pag-uwi ng bahay ay isang nakakaalarmang balita ang sumalubong sa amin.
"Sahra! Estou feliz que você está de volta (I'm glad you're back). Você está bem (Are you okay)?"
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Romance[ Arranged Marriage 3 ] 18+ Reve is half Filipina and half Swedish princess who needs to escape her country because of circumstances. But she's not your ordinary princess. She's spirited and vehement. She will soon meet her future husband, Lieutenan...