Happy
"Sobrang mamimiss ko kayong mag-ina. Lalo na itong poging baby boy na'to."
Niyakap ni Liezel si Brandty habang humahagulgol sa iyak. Pagkabalik kasi naming bakasyon ay nagpaalam na rin kaagad ako sa kanila ni Nanay Flor.
Mamma and General dela Cerna went back to Manila with Ezekiel and Rei. We're going to follow them as soon as I say goodbye to my friends here in GenSan.
"Mobalik ka pa ba dinhi (Babalik pa ba kayo dito)?" Untas naman ni Nanay na kanina pa tahimik sa gilid.
"Hindi ko pa po alam kung kailan, pero pangako bibisita po ulit kami ni Brandty sa inyo." Sambit ko.
"Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa mag-ina ko." Ani Evan sa nakatatanda.
Tinanguan lamang ni Nanay Flor si Evan. Alam kong nahihiya pa rin siya kay Evan kaya hindi niya ito masyadong kinakausap, at alam ko rin na kahit hindi niya sabihin, sobrang mamimiss niya rin si Brandty. Apo na kasi ang turing niya rito kahit hindi naman niya kami kadugong mag-ina.
"Baby, say bye-bye na to tita Liezel and Nanay Flor."
Brandty lifted his hand and started waving at our friends. Siguro ngayon ay akala niya katulad lang ito noong nagpaalam kami bago umalis patungong Amanpulo, pero sa susunod na mga araw ay sigurado akong magsisimulan na siyang hanapin ang mga ito.
"Bye-bye, Naynay..."
We were all surprised by what Brandty said, especially Nanay Flor. This is the first time he called her like that.
Kaagad na nilapitan ni Nanay Flor si Brandty at niyakap ito, hindi na rin napigilan ang mapaluha.
Liezel joined them and cried even more, and I couldn't help but also cry while watching them. Nanay Flor then turned to me and pulled me in so they could hug me too.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga taong tumulong sa amin. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na susuklian ko lahat ng naitulong nila sa amin.
Maaaring makalimutan sila ni Brandty dahil masyado pa siyang bata ngayon, pero gagawin ko ang lahat para hindi mangyari iyon. Lagi kong ipapaala sa kanya ang mga taong naging parte ng buhay naming mag-ina, bilang sukli na rin sa mga masasayang alaala namin na kasama sila.
We stayed in Manila for a week before returning to Stockholm.
We took a private jet, so nobody knew about my arrival except for my family, who also came with me.
For the first week, I was busy preparing for the press conference that I personally decided on my own because I wanted everyone in Sweden and all in other countries to know the whole truth about what really happened.
Evan and Dad brief me on everything while I'm away. That's how I found out that they put Gustafsson and his underlings in jail with life imprisonment, while Blenda and his mother were put in a rehabilitation facility for the rest of their lives too.
Dahil sa pagkakakulong na iyon ni Blenda ay nalaman na rin ng buong bansa ang totoong pagkatao niya at ang mga ginawa niya. Naipaliwanag man ng palasyo ang mga nangyari, alam kong may mga katanungan at naghahanap pa rin ng ibang detalye ang mga tao, kaya naman iyon ang isisiwalat ko sa darating ng press conference.
"I don't know if this is a good idea, Reve." Untas sa akin ni Mamma.
Tatlong oras bago ang nakatakda kong press conference, nagsabi ako sa kanila na gusto kong makita si Blenda.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Romance[ Arranged Marriage 3 ] 18+ Reve is half Filipina and half Swedish princess who needs to escape her country because of circumstances. But she's not your ordinary princess. She's spirited and vehement. She will soon meet her future husband, Lieutenan...