37

174 5 0
                                    

Club

"Nadungog nako ang gisulti nimo ni Liezel sa miaging adlaw (Narinig ko 'yong usapan ninyo ni Liezel noong isang araw)..."

Isang umaga habang naghahanda kami sa pagbubukas ng bakery ay bigla akong kinausap ni Nanay Flor. I stared at her for a moment before giving her an answer.

"Napag-usapan lang naman po namin' yon. Saka wala din pong magbabantay kay Brandty kapag nagtrabaho ako sa iba."

"Tinawagan ko na iyong asawa ni Jericho na nasa Cebu para siya na ang papalit sayo kapag naghanap ka na ng bagong trabaho. At kung magbabantay naman kay Brandty ang kailangan mo, sa gabi pa naman ang pasok mo kaya ako na munang bahala sa kanya tapos kunin mo nalang sa akin sa umaga pag-uwi mo."

Dahil sa mga sinambit ni Nanay Flor ay muli akong napaisip tungkol sa inalok ni Liezel.

Sa mahigit isang taon naming magkakilala ni Nanay, sa una ay maiisip mo talagang masungit siya dahil sa taas ng kanyang kilay at pananalita, pero mabait naman ang kanyang kalooban at mapaghamal sa mga malapit sa kanya.

"Ingna dayon ko kung nakahukom ka na (Sabihin mo kaagad sa akin kapag nakapagdesisyun ka na)."

"Opo, Nay."

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho ko sa bakery sa mga sumunod pa na araw, pero hindi din nagtagal ay kinausap ko na si Liezel.

I have decided to work at the club where she works.

Brandty is very intelligent, even at two, and I'm not the only one who can see that. He will start going to preschool soon. Kahit ganito lang kami ay gusto ko pa rin siyang pag-aralin sa isang maayos na paaralan. Iyong matututukan at magagabayan talaga siya. He deserves a better education so he can prove beyond doubt that he is bright, just like his father.

"Pagseserve ng orders ang trabaho mo, pero puwede ka ring mag-alok ng mga drinks sa customer. Mas mahal na inumin, mas malaki ang madadagdag sa sahod mo kaya pag-igihan mo."

I nodded in response to the club's manager after she explained everything I needed to know.

"Sige, maiwan ko na kayo. Liezel explain mo nalang sa kanya iyong ibang mga bagay, ah."

"Sige po, ma'am. Ako nang bahala kay Sahra."

"Salamat po ulit." Untas ko sa manager bago ito tuluyang umalis.

"Nakakaloka ka!" Singhal sa akin ni Liezel nang kaming dalawa nalang. "Wala ka palang mga ID o kahit birth certificate man lang? Mabuti nalang mabait si ma'am at pumayag na ihabol mo nalang."

I just stared at her without giving her an answer.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako makahanap ng ibang trabaho... Wala akong documents na maipapakita. I actually needed to lie to the manager and say that all my documents got burned during a fire in my house in the province.

Urgent hiring ang club lalo na ng mga waitress kaya siguro natanggap din agad ako. Pero kung hindi ako sinamahan ni Liezel ay baka hindi pumayag ang manager na follow up nalang mga requirements ko.

Now, I need to find a place where I can pay someone to make me fake documents.

"Mamma, done!"

"Are you done eating?"

Brandy nodded at me and handed me his little fork after finishing the butternut squash Mac and cheese that I cooked for his early dinner.

This I Promise You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon