Chapter 1

24 2 5
                                    

Leixandre

Malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao ang bumungad kay Leixandre. Tinanguan siya ng isang lalakeng mas matangkad sa kaniya at maskulado. Tinignan nya ang suot nito na may nakalagay na Security at nginisian tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

He scan his eyes around. Medyo madilim ang lugar dahil sa napaka-dim at iba't ibang uri ng ilaw ang nakapalibot doon.

Muli ay nagpalakpakan ang mga tao at isang awitin ang tumugtog. Itinuon niya ang kaniyang mga mata sa gitna kung saan naroon ang isang maliit na stage. Tanging doon lamang na parte ng lugar na iyon ang may maliwanag na ilaw. Isang babae ang nakaupo sa gitna na may hawak-hawak na gitara at kumakanta.

Ang mga tao ay nagsimulang itaas ang mga kamay at dahan-dahang iwinawagay-way sa ere kasabay ng musika. Napangiti siya nito at medyo gumaan ang pakiramdam.

Napakagandang awitin ang inaawit nito na Upside down. Napakalamig na boses na masarap pakinggan.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad at lumapit at naupo muna sa counter. Inalok siya ng bartender kung anong drinks ang gusto nito ngunit tinanggihan niya ito at itinuon muna ang atensiyon sa babaeng kumakanta. He's not the type of guy that would listen to this kind of song let alone to be in this kind of place.

Ewan ba niya at bakit siya nahikayat ng kaibigan niyang pumunta sa isang hindi kilala at pangkaraniwang bar. Mostly ay nagpupunta lamang siya sa exclusive high end night clubs and bars.

Inilibot niyang muli ang kaniyang mata sa paligid at pinagmasdan ang mga taong naroroon.

May mga magkakagrupo mula sa iba't ibang sulok na masayang naghihiyawan, meron ding dalawa sa isang mesa sa tantiya niya ay magkasintahan.

Disente at masaya naman tignan ang mga ito. Ang mga suot ng mga ito ay mga pangkaraniwan lang din na kabaligtaran niya kung saan ay nakapormal siya ng suot.

Kaya naman ay pagpasok pa lang niya sa bar na iyon ay iba ang titig sa kanya ng bouncer sa pintuan maging ang ibang tao doon at ang bartender na panay ang kulit sa kaniya na umorder ng drinks.

He takes off his coat and loosen his tie. Ang ibang babae doon ay panay ang sulyap sa kaniya.

Nailang tuloy siya at hindi na naenjoy na pakinggan muli ang babaeng kumakanta. Inilabas na lamang niya ang kanyang cellphone at minabuting tawagan na lamang ang kaibigan niya dahil hindi niya ito mahagilap.

"Hello brooo!!"

Malakas na sabi ng nasa kabilang linya.

"Where are you? I'm already here." Inis niyang sabi.

"Saan ka banda bro?"

"I'm right here at the counter."

"Nandito kami sa sulok bro malapit sa stage!" Sigaw ng kaibigan niya.

Inilibot niya ang tingin sa magkabilang sulok ng stage upang hanapin ito at dahil sa medyo madilim nga ang mga ilaw doon ay hindi pa din niya ito makita.

"Here bro! I can see you!"

Trying to focus he's eyes more, itinuon niya ang paningin on the right corner of the room kung nasaan may speaker na nasa tabi ng stage at nakita ang kaibigan niyang kumakaway sa kaniya.

Loving a HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon