Chapter 11

22 1 0
                                    

꧁༺ Laura ༻꧂

Bright lights and a crowd of people welcomed her as she stepped outside the car.

Nagsimula siyang maglakad na nanginginig ang mga tuhod. Hindi niya inaasahang ganito ang dadaluhan niyang event. Napaka-engrande pala nito na mala-hollywood ang dating. May pa red carpet pa at nagkalat ang mga taong kumukuha ng litrato.

Ang mga bisitang isa-isang naglalakad sa gitna ng red carpet na nakalatag that was surrounded by reporters, media and photographers. Kaniya-kaniyang aura at pagpo-pose ang mga ginagawa nito sa harap ng camera.

Ang ilan sa kanila ay kinakapanayam ng isang reporter na animo'y mga celebrity. May malaking screen sa gitna ng building kung saan nakadisplay at pinapalabas ang pangalan ng company. At iyon ang #Chloe. She didn't expect that the company was very famous and glamour.

Napakaraming tao ang nakapalibot ngayon sa harap ng gusali. Lahat ay excited na dumalo at makapasok upang saksihan ang pagbubukas nito.

"Oh! My gosh!"

Napukaw ang atensiyon ni Laura mula sa pagmamasid ng tumili ang babaeng katabi niya.

Napabuga siya ng hininga.

She almost forgot, kasama ngapala niya ang kaniyang kaibigan. Nawala siya sa kaniyang sarili ng bahagya nang makababa sila ng taxi at makita na ganito pala ang dadahulan nilang event.

Niyaya niya ang kaniyang kaibigang si Tricia upang samahan siya dito. Hindi siya dapat ang kasama nito ngunit no choice naman siya dahil ang isa pa niyang kaibigang si Annie, which is mas close sila at mas komportable niya itong kasama ay hindi siya masamahan. May iba itong importanteng lakad kaya naman itong si Tricia na lamang ang nayaya niyang samahan siya at hindi naman ito nagpatumpik-tumpik pa na sumama sa kaniya.

"Laura hindi mo naman sinabi na ganito pala kabongga itong dadaluhan natin!" Pagyuyug-yug nito na nakahawak sa kaniyang braso. "May mga paparazzi pa! Eh! Di sana mas bonggang outfit at sexy ang naisuot ko!"

Napairap na lang siya sa kaibigan niya.

"Hindi ka pa prepared sa lagay na yan?"
Nakataas ang kilay niyang sinulyapan ito.

Tricia is wearing a black dress na backless ang likod at halos lumuwa naman ang harapan nito sa kaseksihan. It was a long dress that have slit na abot na ata hanggang singit niya. Her friend turns around and poses.

"Pak! Awra kung awra!" Sabay kindat sa kaniya ni Tricia.

Iiling-iling siyang tinalikuran ito.

Ewan ba niya at bakit niya ito naging kaibigan. May pagkamaarte ito, medyo madaldal at gusto ay laging nakapostura.

Ngunit ganun pa man ay nakitaan naman niya ito ng kabaitan, ma-attitude man ito minsan ay may natatago naman ding bait. Naasahan niya ito sa tuwing may mga kailangan siya at nahihingan niya ng opinyon dahil may sense ito pagdating sa fashion.

Aminado din siyang si Tricia ang flirty type sa kanilang magkakaibigan. Ngunit ganun pa man ang katangian ng ugali nito ay kaibigan pa rin niya si Tricia, dahil totoong tao ito at hindi siya kailanman tinalikuran.

"I am so lucky girl at ako ang naimbitahan mong samahan ka dito!"

"Pasalamat ka kay Annie! Siya dapat ang kasama ko imbes na ikaw."

Loving a HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon