꧁༺ Laura ༻꧂
Laura was very excited to see her boyfriend Stefan, kaya naman dali-dali siyang bumaba ng office para salubungin ito. Hawak-hawak ang isang bouquet ng bulaklak, nakangiti siyang pumasok ng elevator.
"Hello ma'am Laura! Goodmorning!"
Bati sa kaniya ng isang babaeng empleyado pagpasok niya ng elevator. Binati din niya ito at ngumiti.
"Wow naman ma'am! Ang sweet naman ni sir binigyan kayo ng bulaklak. Kaya pala iba ang ganda ng aura naten ngayon!"
Nakangiti siyang pinagmamasdan ang mga bulaklak.
"Siguro may magandang okasyon kayong sine-celebrate ngayon?" At bigla itong napatakip sa bibig "OMG? Baka naman nagproprose na sayo si sir Stefan ma'am Laura?" Kilig to the bones naman sabi nito.
Alam ng mga empleyado doon na magkasintahan silang dalawa at wala naman itong naging problema dahil na rin siguro ay likas na mabait siya sa lahat. As much as possible ay pinakikisamahan niya lahat ito, hindi naman maiiwasan na may mga katrabaho siyang naiinggit sa kaniya, mainis at kamuhian siya.
Ngunit hindi niya ito inisip, hinayaan na lamang niya ang mga ito basta alam niya sa kaniyang sarili na nasa tama siya, ginagawa niya ng tama ang trabaho at higit sa lahat ay wala siyang inaagrabyado.
Pinagbubuti niya ang kaniyang trabaho upang walang masabi ang mga ito na kaya lang siya lumipat sa company na iyon ay dahil nga kasintahan siya ni Stefan. She proved to them na mali ang iniisip ng mga ito. At hindi naman siya nabigo na gawin iyon. Halos lahat ng katrabaho nila ngayon ay kasundo na niya.
"Congrats ma'am! I'm happy for you! We all know na pinakahihintay mo yan!" Kilig na sabi ng empleyado sa kaniya.
Nginitian lang niya ito at walang anumang sinabing detalye. Hinayaan na lamang niya na iyon ang isipin nito. Naisip niya na doon din naman ang punta ng relasyon nila ni Stefan. Sigurado na siya sa sarili niyang si Stefan na ang lalakeng itinadhana sa kaniya. Hinihintay na lang niya talaga itong yayain siyang magpakasal.
'Take your time Stefan, feel the right time when to ask me that question of a lifetime.." bulong niya sa kaniyang sarili. Ayaw naman niyang mapressure sa kaniya si Stefan ng dahil sa kasal at hindi naman sa pagmamadali na magpakasal ngunit she was not getting any younger.
She's already 35years old, lagpas na sa kalendaryo ang edad niya ika nga ng matatanda.
Some of her friends and colleagues are all married and have their own family. Siya na lang ata ang hindi pa nagpapakasal at nagkakaanak.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tumingin sa reflection niya sa elevator.
'Maganda naman ako diba? Except with this big eye glasses I have! Sexy din naman ako? Mabait? Mapagmahal?' tanong ng konsensiya niya.
Ginising niya ang sarili sa mga naiisip niya. What's important now is, Stefan love her and that is enough for her to be happy with their relationship and don't expect on what's to come. For now, she will just enjoy every moment with him, dahil alam niya once ikasal na sila ay marami pang changes at struggles ang pagdadaanan nila.
She straighten herself and smile.
Huminto ang elevator at lumabas na ang empleyadong nakasabayan niya.
"Mauna na 'ho ako sa'yo ma'am Laura. Congratulations po ulit ma'am!" Masayang sabi nito bago lumabas ng elevator.
Pinindot na ni Laura ang button going down to the parking lot. Nagbilang siya hanggang sampu para pakalmahin ang dumadagundong na puso niya. Then the elevator stop and the door slowly open.
BINABASA MO ANG
Loving a Hunter
RomanceLeixandre Hunter, is a well known man from a well known family. He has a brother, Stefan Hunter- Half brother from his father. But they don't get along with each other. Their dying father has a last wish for the both of them and that is to see them...