Chapter 10

25 2 0
                                    

꧁༺ Laura ༻꧂

Walang mapaglagyan ang sayang nadarama ni Laura. Nalulunod ang puso niya sa nag-uumapaw na halo-halong emosyong nararamdaman niya.

Hindi niya inaasahang aalukin na siya ni Stefan na magpakasal pero iyon naman talaga ang tanging pinakakaasam niya.

It was really unexpected for Stefan's proposal dahil ni wala itong nakahandang singsing but surprisingly for her it was fine dahil ang tanging naramdaman niya ng mga sandaling iyon ay ang sinseredad at ang totoong nilalaman ng puso ni Stefan.

She remembered telling herself that Stefan didn't need to be in a rush, she wanted for him to feel the right time to ask her that question of a lifetime, and that right time was that moment last night.

Lahat ng pinapanalangin niyang mangyari ay natutupad gaya na lamang sa proposal ni Stefan. Wala na siyang mahihiling pa. Nagpapasalamat siya dahil sinunod ni Stefan ang bulong ng puso niya and she is really happy about it.

Hindi pa rin siya makapaniwalang engage na siya. Sa wakas ay magkakasama na sila ni Stefan at bubuo ng sariling pamilya.

Napatili siya sa kilig sa mga naiisip niya. Naitakip niya ang unan sa mukha at sumigaw ng malakas. Para siyang baliw sa pinaggagagawa niya. Hindi siya mapakali sa higaan simula kagabi kaya naman halos wala siyang tulog.

Sinasariwa pa rin ng isipan niya ang mga moments nila ni Stefan kagabi. How they passionately kiss despite knowing they are in a public place. Namumula na naman ang mga pisngi niya kapag naiisip niya iyon. Kagabi, na para bang ayaw siyang tigilan ni Stefan na halikan. It feels like he was hungry for the kiss. The way his fingertips hold her waist.

Napatili na naman siya sa kilig.

"Naku! Laura! Humanda-handa ka na talaga!" Sigaw ng kaniyang isipan.

She's imagining things, crazy things that a married couple does!

Tumayo na siya sa kama at tinungo ang banyo upang maghanda ng pumasok sa trabaho. Hindi niya talaga maiwasang isipin ang mga susunod na mangyayari pagkatapos nilang maikasal ni Stefan.

Hanggang sa matapos na siyang maligo at nakapagbihis na ay lutang ang utak niya. Para siyang lumilipad at kusa lang siyang kumikilos ngunit ang isipan niya ay wala sa katawan niya.

She can't wait to do the crazy stuffs with Stefan.

Nakaka-excite, nakakakaba, masaya at nakakakilig ang mga eksenang tumatatak sa isipan niya.

Abot tenga ang ngiti niyang tinitignan ang kaniyang repleksiyon sa salamin. Naputol ang pagmumuni-muni niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa side table ng kanyang kama. Tinignan niya ang cellphone at nakitang tumatawag ang kaniyang ina.

"Hello ma! Good morning!" bati niya.

"Hello nak Laura!" Masayang tinig ang bungad ng kaniyang ina. "Kamusta ka na?"

"Maayos naman po ako ma. Bakit napatawag ho kayo?"

"Tinatanong mo pa ba yan? Abay, hindi ba kita pwedeng tawagan?" Biglang bago ng tono ng pananalita nito. Napailing siya sa mood swing ng kaniyang ina at napabuntong hininga. Marahil ganoon na ang nagkakaedad, sa isip-isip niya.

Loving a HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon