꧁༺ Laura ༻꧂
Laura waited for Stefan to come to pick her up and go on a date.
Hindi niya iyon inaasahan but her heart is very happy knowing how busy her boyfriend was, he had still time and made it up for her.
Kaya naman todo effort siya to look decent and beautiful.
Ayaw naman niyang maging sobrang seksi para lang masabing maganda at sosyal dahil sa boyfriend niyang sikat na businessman. She wants at least to look sophisticated yet simple in an elegant way.
She was waiting outside the condo building where she lives. Nag-iisa lang siyang nakatira sa condo unit na nabili na niya, an investment for herself.
She started working pagkagraduate niya ng college, she focuses on her goal at iyon ay ang makapag-ipon at makabili ng property or at least bahay na matatawag niya para sa sarili.
Since she works in a city, a condo unit suit for her to buy. Ang mga magulang niya ay nakatira sa probinsiya na malayo sa kaniya but in the future, she is planning to buy some properties there thinking when she retires from work and would have her own family, ay nais niya doon manirahan.
Namimiss rin niya ang buhay probinsiya kung saan maganda ang simoy ng hangin, tahimik at malayo sa magulo at maingay na paligid.
Kung saan ang mga tao ay simpleng namumuhay na masaya.
Kasama ng magulang niya ang nag-iisa niyang bunsong kapatid na lalake. Inako niya ang responsibilidad na paaralin ito mula ng makapagtrabaho siya, iyon na rin ang paraan niya na suklian ang mga sakripisyo ng magulang niya para sa kaniya na makapagtapos sa pag-aaral.
Ang kaniyang ina ay isang retired teacher at ang ama naman ay isang government worker sa bayan nila. May katandaan na din ang mga ito. Her mom gave birth to her at the age of 36 and they had her younger brother fourteen years after, kung saan tinawag itong menopausal baby.
Her parents didn't expect na magkakaroon pa siya ng kapatid. Their family had been more happier because of her brother. Nung bata ito ay napakabibo at masayahin na kinagigiliwan ng lahat. Ngayon ay napagtapos na niya ito ng pag-aaral at isa ng ganap na pulis.
Ang mga pangarap niya lang dati na ngayon ay isa-isa ng natutupad.
Isa na lang ang kahilingan ng magulang niya para sa kaniya at iyon ay ang makita siyang maikasal at bumuo ng sariling pamilya nito. Siyempre, yun din naman ang gusto niya.
But in God's perfect time.
Sa ngayon, alam niya na masaya ang lagay ng puso niya kay Stefan.
Hindi maitago ang ngiti ni Laura ng dumating na ang kaniyang kasintahan. Stefan got out of the car and he greeted her in a warm tight hug and a kiss on the lips. Bago siya nito pinagbuksan ng pinto ng kotse ay bumulong ito sa kaniya.
"I miss you."
Abot tenga ang ngiti niya at kilig na nadarama niya.
"I miss you too, hon."
Pagkatapos niyon ay sumakay na sila ng kotse.
Kapwa sila tahimik. Pasulyap-sulyap siya sa gawi ni Stefan. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan. Naiilang na siya sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nila kaya naman siya na ang unang nagsalita.
"Saan tayo pupunta, hon?"
"You'll see" saglit na sinulyapan siya nito at tipid na ngumiti.
"Okay," ang tanging nasambit niya.
Hindi na niya ito inusisa pa at itinuon na lang niya ang atensiyon sa dinaraanan nila. Mamaya na lang niya ito kakausapin tutal they are on a date and they will have more time to talk later. Besides, nagmamaneho ito kaya mas mabuting nakafocus ito sa pagmamaneho para iwas sa anumang aksidente.
BINABASA MO ANG
Loving a Hunter
RomanceLeixandre Hunter, is a well known man from a well known family. He has a brother, Stefan Hunter- Half brother from his father. But they don't get along with each other. Their dying father has a last wish for the both of them and that is to see them...