Chapter 6

14 2 5
                                    

꧁༺ Leixandre ༻꧂

It's been Three weeks have passed since the day na nakausap niya si Ariel at Mike.

Mula noon ay naging sobrang busy siya.

Hindi nga siya nagkamali kay Ariel, maasahan nga ito gaya ng pinsan niyang si Mike. Akala niya mahihirapan ito sa ibinigay na trabaho lalo't nung binanggit niya na kailangang Virgin pa ang babaeng kailangan niya, parehong nagulantang ang magpinsan at nagtaka.

Pilit na tinatanong siya ni Mike kung ano ba ang dahilan bakit ganoon ang kailangan niya but still Leixandre kept silent.

Ayaw niya pang sabihin sa mga ito ang dahilan. Tsaka niya na iyon ibabahagi sakanila kapag nahanap na niya ang tamang babaeng ihaharap niya sa kaniyang ama. Dahil na rin sa tulong ni Mike ay may ilan din silang mga nahanap na babae na umayon sa criteria na kailangan niya.

Ngunit ganun pa man ay ni isa sa mga ito ay wala siyang nagustuhan. Isa-isa niya itong ininterview at kinilatis. Dahil na rin nga sa hindi siya basta-basta na lang pumipili ng kung sino-sino, kaya wala siyang natipuhan sa mga iyon at doon nahirapan ang mag-pinsan.

"I will know when I see her and tell you that she is the one. The right one. Ako lang makakapagsabi kung sino ang nararapat." Mariin niyang pagrarason sa mag-pinsan.

Nagrereklamo kasi sa kaniya si Mike dahil napaka-picky daw nito at masiyadong maarte. Kaya't wala silang ibang nagawa kundi ang maghanap pa ulit.

Sumasakit ang ulo niya kapag naalala niya ang mga babaeng nainterview niya. Kung hindi man ito mataba ay sobrang payat naman. May mukhang nerd din, may pandak at meron pang tibo. Naihilamos niya ang mga kamay sa kaniyang mukha.

'This wouldn't be as easy as I thought.'

A knock on the door made him abruptly sit upright.

"Come in."

His secretary came inside holding documents. Lumapit ito sa kaniya at inilapag sa mesa ang dala-dala nito.

"Sir, here are the proposals and other documents that you need to review and sign for our clients and as well as the company's business partners."

"Okay, thank you, Sam."

"By the way Sir, please kindly check your e-mail. There's a company that had called earlier, informing me about it since you might not haven't open yet your e-mail, and I think they are waiting for your response."

"Who and what company?"

"Based on the call that I got, the name of the company is #Chloe," Sam said uncertainly.

"#Chloe?" takang tugon ni Leixandre "Never heard that company."

Curious about it, kaya dali-dali niyang binuksan sa computer ang e-mail to check on it.

"Ako man din sir, hindi ko po alam yung company na iyon kaya na-intrigue ako and so I googled the company name."

Patuloy na nagsasalita ang secretary niyang si Sam habang binubuksan niya ang e-mail.

"And guess what sir?" May pagkapanabik sa boses niya.

"Hmm" napasulyap lang siya kay Sam.

"Isa pala itong sikat na company sa Korea! Hindi lang sa Korea, pati na din sa China, Japan, Singapore at America!"

Nakatuon ang atensiyon ni Leixandre sa pagbabasa sa computer habang abala si Sam sa mga pinagsasabi niya tungkol sa kompanyang iyon.

Nakasaad sa e-mail ang isang imbitasiyon.

"They are inviting me and the Hunterenergy Company to their launch event that will be held next Friday."

Natigilan si Sam sa pagsasalita.

"Launch party Sir?"

"Yes. I think they will be launching their Company here in the Philippines." Napasandal siya sa upuan habang napapaisip, bakit siya iniimbitahan sa ganitong klaseng event. Clearly, their line of business is not related to his company.

"Kaya naman pala hindi kilala ang company nila dahil wala pa niyan dito sa Pinas! Now, they are planning to launch #Chloe here!" Masayang sabi ni Sam. "So if the Hunterenergy company is invited sir, ibig bang sabihin niyan maari din po ba kaming pumunta sa event?"

"Yeah, I guess so. Nakasaad dito na all of the working staff in our company are invited to come."

"Yes!"

Napatingin siya kay Sam at biglang umayos ng tayo.

"Sorry, sir. Excited lang po."

"Still, I am curious. What is their agenda for inviting me?"

"Basta sir, wala pong bawian yan!" Abot tenga ang ngiti nito "Malay niyo sir makilala ko doon si the right girl for me! And the right one for you!" Dugtong pa nito.

"If you don't have anything more important to say, you may go now."

"Okay, sir. Pasensiya na" kakamot-kamot itong lumabas ng opisina niya.

Leixandre once again looks at the computer while his fingers tap the mouse pad. Nagdadalawang isip siya kung dapat nga ba siyang dumalo sa event na ito o hindi.

But then again, curiosity beats him. If he wants to know about this company then he should come.

Tumunog ang cellphone niya na nasa mesa. He picks up the phone, it was a call from Ariel.

"Hello, Ariel."

"Hello sir, magandang hapon ho."

"Good afternoon, too."

"Eh sir napatawag ako para sabihin sa inyo na itong darating na biyernes ho ay may anim na babae po kayong maaring niyong kapanayamin. Potential candidate ho sir. Baka isa na sakanila ang hinahanap niyo" masayang sabi ni Ariel sa kabilang linya.

Napahugot siya ng malalim.

"Sir, andiyan ho ba kayo?"

"Yes, Ariel. I'm still here. Sorry, may iniisip lang ako."

"Sa biyernes ho sir ng mga alasingko po."

"Can we move the date? I have an event to attend this coming Friday."

Leixandre heard a commotion in the other line before Ariel spoke again.

"Eh sir, hindi po puwede. Yun lang din ang araw na libre ho yun mga babaeng nahanap ko. Kapwa may mga lakad at trabaho din ho kasi sila sir. Pare-pareho na iyon ang free time daw nila."

Ramdam niya ang kaba sa boses ni Ariel at naiimagine nitong napapakamot ito sa ulo.

Leixandre heaved out a heavy sigh before responding. Ayaw naman niya itong bigyan pa ng pressure at problemahin ng husto dahil alam naman niyang ginagawa nito ng maayos ang trabaho.

"Alright then. Friday, 5 in the afternoon at the usual place."

"Sige ho sir. Salamat po."

"Okay, thank you Ariel."

He put his phone back on the table at hinarap muli ang computer and started typing.

His responding at the letter sent by the so-called #Chloe. Telling that he would come to the said event but he might be a little bit late to come to the party because he have some meetings that needs to attend first. Sending his best of luck to the company and thanking it for inviting him as well as his company.

After sending the e-mail, tumayo na siya at lumabas na ng kaniyang opisina. Paglabas niya ay natigilan ang mga empleyadong nagbubulungan. Ramdam niya na ang pinag-uusapan ng mga ito ang event na dadaluhan nila sa biyernes. Napatingin siya sa desk ng secretary niya. Sam slightly bowed his head and smiled at him.

Napailing na lang siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungong elevator.

As he steps inside the elevator and the door closes, dinig niya na nagpatuloy sa pag-uusap ang mga empleyado niya.

Even his employees were all as curious as him but he's not thrilled and excited like them.

He is just attending the said event to know exactly what company is it and who owns it.

Loving a HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon