Prologue

37 2 7
                                    


"This is ridiculous!"

Leixandre toss the paper at the desk and stand up from the chair. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at kinuyom ang kamay sa galit. Hindi nya lubos maintindihan kung bakit nagagawa ito ng kanyang ama.

Ang manipulahin sila para sundin ang kagustuhan nito.

"Son you have to--"

"Don't call me that!"

Sigaw nya sa kanyang ama. Tiningnan nya ito ng matalim.

"Huwag na huwag mo akong matatawag na anak! You only know me as your son if you want something!"

Naniningkit nyang sumbat. Labis na sama ng loob ang dinaramdam nya dito. Pakiramdam nya ay tauhan at isang laruan lamang siya sa kanya ng magaling niyang ama. Halos lahat ng gusto nito at ipinagagawa ay labag sa loob niyang sinusunod.

"Ito ang kahuli-hulihang hiling na hihingin ko mula saiyo" mangiyak ngiyak na sabi sa kaniya ng kaniyang amang si Don Joaquin. "Sainyong dalawang magkapatid" saad nya na nakatingin sa kaniyang mga anak.

Ibinalibag ni Leixandre ang upuan na tumama sa pader at napamura.

"That's bullshit!"

Tinapik siya ng kaniyang kapatid sa balikat at seryoso siyang pinagmasdan.

"I know it's hard but whatever dad wishes you to do please, atleast show some respect."

Iwinaling nya ang kamay ng kaniyang kapatid at galit niya itong nginisian.

"Bilib din talaga ako sa'yo Stefan" tinignan nya ito na patangu-tango ang ulo "Kunsabagay, like Mother like son kaya hindi na ako magtataka."

Isang suntok ang dumapo sa pisngi ni Leixandre na dahilan para mapaatras siya. Napahawak siya sa kanyang labi na ngayo'y nagdurugo na.

"F*ck!" Gulat na sambit nya at tumingin kay Stefan. Hindi siya nagdalawang isip na sugurin ito at gantihan din ng malakas na suntok sa mukha. Napasubsob sa sahig si Stefan sa lakas ng suntok ni Leixandre. Akmang susuntukin nya muli ito ngunit napahinto siya.

"Itigil nyo yan!" Matining na sigaw ni Natalia, ang ina ni Stefan. "Hindi na kayo nahiya" nilapitan nya ang kanyang asawa na nakaupo "Sa harap pa talaga mismo ng inyong ama" at humikbi hikbi ito na tila ay iiyak na "Walang ibang hangad ang inyong ama kundi ang makita kayong masaya at nasa maayos na kalagayan bago man lang siya--" hindi na nito naituloy ang gustong sabihin at humagulgol na ito sa iyak habang yakap yakap ang asawa.

Naikuyom muli ni Leixandre ang kanyang mga kamay sa tindi ng galit at pagkamuhi niya sa mga ito. Lalong-lalo na kay Don Joaquin. Nag-iigting ang kanyang mga panga habang nakatitig sa ama. Tinalikuran nya ito at galit na lumabas sa opisina ng kanyang ama. Habang papalabas siya ng pinto ay tinawag siya ni Don Juaquin.

"Leixa! Bumalik ka dito!" Galit na tawag nito sakanya ngunit dere-deretso siyang lumabas at hindi pinakinggan ang ama. "Hindi pa tayo tap--" napatigil ito sa pagsasalita at napahawak sa kanyang dibdib.

"Mahal, what's wrong?" Tanong ni Natalia.

Hindi makapagsalita si Don Joaquin habang hawak-hawak ang naninikit niyang dibdib ng bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

Loving a HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon