꧁༺ Stefan ༻꧂
Her caramel-light brown eyes behind those big eyeglasses stared straight at Stefan.
Napalunok siya sa narinig niya. Batid niyang hinihintay lang talaga siya ni Laura ngunit hindi niya mahagilap sa sarili na gawin iyon sa kaniya. Ewan niya ba kung bakit.
Kung tutuusin ay maswerte nga siya dahil virgin pa ang kasintahan niya.
Nung nalaman niya ito ay napahanga siya kay Laura. Sa edad niyang iyon ay napanatili niya ang kaniyang pagkababae. Itinanong niya iyon kay Laura kung bakit, dahil daw ay naniniwala siya na sagrado ang pagpapakasal at iyon ang natatanging-handog niya sa mapapangasawa nito.
Ang ibigay ang sarili ng buong-buo sa lalakeng makakasama niya habambuhay.
Ngayon ay walang pag-aalinlangan niyang inihahandog ang sarili kay Stefan. Na angkinin na niya ito kahit hindi pa sila kasal. Ibig lang ba sabihin nun na sigurado na siya kay Stefan na ito na ang makakasama niya habambuhay?
Bigla niyang tinalikuran si Laura na nakayuko.
'You're making it harder for me to do this' mahinang sambit niya.
"What's the matter Stefan?" Takang tanong ni Laura.
Bago siya ulit humarap sa kasintahan ay huminga muna siya ng malalim.
"Nothing" sabay ngiti "Anyways, I'll talk to you later. I have to go." Nilapitan niya itong muli at dinampian ng halik sa noo.
"Okay hon, I love you"
Hindi siya sumagot sa sinabi ni Laura, hinagkan niya lamang ito atsaka umalis. Lumabas na siya ng opisina at dumeretso sa meeting niya.
Maghapon nasa opisina lamang si Stefan ng matapos ang meeting niya sa mga investors. Nagpakasubsob siya sa trabaho para ilibang ang sarili sa kakaisip ng problema niya.
Ngunit kahit anong gawin niya ay sumasagi pa din sa isipan niya ang kahilingan sa kaniya ng ama. Naalala niya na dadalawin ngapala niya ito para kamustahin.
Tinignan niya ang kaniyang relo. Halos hindi niya napansin na madilim na pala, pasado alas otso na pala ng gabi. Kaya naman nagdesisyon na siyang lumabas na ng opisina at umuwi na. Pagdating na pagdating niya sa kanilang bahay ay dumeretso agad siya sa kuwarto ng kaniyang ama. Kinatok niya ang kuwarto ng ama at agad naman siyang pinagbuksan ng pinto.
"How are you doing, Dad?"
Uubo-ubo na umiling lang sa kaniya si Don Joaquin. Nilapitan niya ito at kinuha ang isang basong tubig sa side table ng kama at pinainum ito sa ama. Tinapik-tapik niya ang likod ng ama upang kahit papano ay maibsan ang nadarama nito.
"Have you already met her?" Mahinang wika ng kaniyang ama habang dahan-dahang nahiga.
Hindi siya umimik, tinuon niya ang pansin sa bintana.
"Dad, do you really need to do this?"
"Anak, alam mo na kapakanan niyo ang lagi kong iniisip. Ayokong mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko."
"Don't you trust me?" Naglakad siya palapit sa bintana.
"I just want to make sure everything will be alright. That's all I ever want."
BINABASA MO ANG
Loving a Hunter
RomanceLeixandre Hunter, is a well known man from a well known family. He has a brother, Stefan Hunter- Half brother from his father. But they don't get along with each other. Their dying father has a last wish for the both of them and that is to see them...
