CHAPTER 04

357 21 3
                                    

ERION

Thursday

Malapit na akong ma-late nang dumating ako sa school, at tumakbo na ako paakyat pero paglingon ko sa kabilang building ay nakita ko si Dana baby. Nagtaka ako dahil anong ginagawa niya doon, may sinisilip-silip pa siya sa isang room. Ako bilang dakilang chismoso ay pinuntahan ko siya kahit malapit na ang time. Pagkalapit ko ay hinawakan ko siya sa balikat at nagulat siya.

"Bwisit, akala ko kung sino!" Nabigla niyang sigaw sa akin.

"Sa kabila ang room natin, anong ginagawa mo rito?" Curious kong tanong sa kaniya. Umirap siya bago naglakad paalis, at tumakbo ako para sabayan siya sa paglakad habang kinukulit siya na sagutin ang tanong ko.

"Uy, anong ginagawa mo doon? Sinong tinitignan mo?" Pangungulit ko na nagpainis sa kaniya. "Police ka ba? Dami mong tanong."

Binilisan niya ang kaniyang paglakad, at hindi naman ako nagpatalo kaya binilisan ko rin ang paglakad hanggang sa maharangan ko siya.

"Hahalikan kita rito kapag hindi mo sinabi," seryoso kong banta sa kaniya. Napatingin siya sa labi ko bago niya ako itulak kaya hinila ko ang braso niya at sinandal sa pader. Kita sa kaniyang mukha ang pagkagulat pero nang makabawi siya ay bigla niyang inapakan ang paa ko at tumakbo. Hinabol ko siya at muntikan pa akong madulas, buti na lang nakakapit ako sa hawakan. Kung hindi ay nagasgasan na ang gwapo kong mukha. Pagkarating namin sa room ay kinukulit ko pa rin siya.

"Dana baby, ano nga ginagawa mo doon?" Nakanguso kong tanong sa kaniya. Bumuntong-hininga siya bago tumingin sa akin at sumagot.

"Hinahanap ko lang 'yong kakilala ko, okay ka na?" Minata niya ako habang sinusungitan. Umiling naman ako sa kaniya dahil kahit sinabi niya 'yon ay hindi ako kumbinsido dahil 'yong itsura niya kanina ay mukhang nagbabaka sakali lang na may makita.

"Edi 'wag ka maniwala, sino ka ba para magpaliwanag ako sa'yo?" Iritado niyang tanong sa akin. Tumingin ako sa kaniya na nagpapaawa habang nakanguso, baka sakaling pagbigyan niya ako. Napangiwi siya at tinignan ako gamit ang mapanghusgang tingin.

"Mukha kang aso," biglaan niyang sabi sa akin. Ganoon ba ako ka-cute para masabihang mukhang aso? Hays.

"Ako aso? Sino kaya sa atin 'yong umaamoy ng pagkain bago kainin?" Pang-aasar ko sa kaniya. Napanganga siya bago niya ako hinampas sa balikat.

"Bwisit ka talaga! Don't talk to me!" Galit niyang sigaw sa akin bago siya nag-cellphone na parang may ka-chat. Pinagmamasdan ko lang siya nang biglang may pumasok sa room para sabihing wala ang mga teacher dahil nasa meeting sila. Gandang timing nito para sa akin dahil makakasama ko si Dana baby. Aayain ko sana siya kumain pero paglingon ko ay tumayo siya agad at naglakad palabas.

Naisipan kong sundan siya para makita kung ano ba talaga ang meron dahil kakaiba ang ikinikilos niya. Tahimik at pasimple lang ang pagsunod ko sa kaniya para hindi niya ako mapansin. Dumaan kami sa kung saan kami nanggaling noong nakita ko siya, at bumalik siya sa room na sinisilip niya kanina. Kumunot ang noo ko dahil may lalaking lumabas sa room at niyakap niya agad 'yon. Nakaramdam ako ng inis, sarap banatan 'yong lalaking 'yon inuunahan ako kay Dana baby.

Imposibleng boyfriend niya 'yon dahil ngayon ko lang siya nakita. Naglakad sila kaya sumunod ulit ako sa kanila, nakakapit pa si Danaea sa braso ng lalaki. Tsk. Kumuha ako ng bubblegum at sinimulan itong nguyain, yari sa akin 'yong lalaking 'yon.

Pumunta sila sa garden ng school namin, dumiretso ako sa may bakod papunta sa likod ng uupuan nila para gawin ang binabalak ko. Habang paupo sila ay dinura ko ang bubblegum sa pwesto ng lalaki kaya naupuan niya ito. Hindi ko napigilang tumawa kaya napalingon sila sa akin.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now