CHAPTER 05

355 23 3
                                    

ERION

Nagising ako na sumasakit ang ulo ko, isang bote lang 'yon pero lakas ng hangover ko. Mabait kasi ako kaya hindi ako lasinggero, wala na nga akong pera tapos ipapangbili ko pa ba ng mga alak. Tinignan ko ang oras at nakita kong mag alas siyete na ng gabi, naisipan kong lumabas muna para magpahangin dahil malamig kapag ganitong gabi na. Nagsuot ako ng hoodie bago ako lumabas para hindi rin ako sipunin. Naisipan kong maglakad sa kabilang street para ibang paligid naman ang makikita ko, nananawa na ako sa paulit-ulit na tanawin sa street namin. Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong eskinita at may narinig akong mga boses.

"Tara na, gawin na natin." Dinig kong sabi ng isang lalaki.

"Bitiwan mo ako, ayoko nga sabi!" Mahinang sigaw ng isang babae. Pamilyar ang boses nito kaya naisipan kong 'wag muna umalis. "Ano ba! Bitiwan mo ako!" Muling sigaw ng babae at alam ko na kung kanino ang boses na 'yon. Nakita ko na hawak ng lalaki ang kamay ni Danaea at hinahalikan ito sa leeg. Dali-dali akong lumapit at hinila ang lalaki para sapakin ang mukha nito.

"Erion!" Sigaw ni Danaea sa akin. Patuloy lang ako sa pagsuntok sa mukha nitong panget na 'to para lalo siyang pumanget. "Erion, 'wag! Tama na!" Inaawat niya ako pero hindi ko siya pinapakinggan, patuloy ang paglapat ng aking kamao hanggang sa dumugo na ang mukha nito.

Tinigilan ko lamang siya nang makita kong hindi na niya madilat ang mga mata niya. Hinila ko palayo si Danaea pero hindi pa kami nakakalayo masyado nang bigla niya akong sinampal.

"Kahit kailan ganyan ka!" Nagulat ako sa kaniyang sinabi dahil imbis magpasalamat ay nagagalit siya. "Anong masama sa ginawa ko? Niligtas lang kita sa masamang balak ng gagong 'yon!" Hindi ko napigilang mapagtaasan siya ng boses kaya lalo siyang nagalit sa akin. She scoffed before looking at me with pure disdain in her eyes. Nasaktan ako sa kaniyang pagtingin sa akin dahil hindi ko siya maintindihan. Umiling na lang ako bago hinubad ang hoodie ko at nilagay sa kaniyang balikat. "Suotin mo, baka magkasakit ka sa lamig."

Tinalikuran ko siya agad at naglakad na palayo. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa dahil hindi ko kayang makausap siya. Pagkauwi ko ay nagpakulo agad ako ng tubig para ihalo sa pampaligo ko dahil gininaw ako sa labas, ito muna ang pampainit ko. Habang naliligo ay hindi ko mapigilang maisip ang nangyari kanina, naiinis ako sobra dahil ano bang meron sa lalaking 'yon at pinagtatanggol niya pa kahit binabastos na siya nang ganoon.

Sa inis ko ay sinipa ko ang balde pero napangiwi lang ako dahil sa sakit, mas lalo akong nainis sa ginawa ko kaya nilublob ko na lang ang aking mukha sa balde. Isipin ko na lang na isa akong sirena, at sa patagalan ng paghinga sa akin kayo ay bibilib. Pagkatapos maligo ay tinuyo ko na ang buhok ko para makatulog na dahil may trabaho pa ako mamayang alas tres ng madaling araw. 

Saturday

Ang bigat ng katawan ko nang magising ako kanina, hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ako dahil sa nararamdaman ko. Napagod ako sa kakasapak kagabi, tigas kasi ng mukha non. Hindi muna ako maliligo dahil naligo naman ako kagabi, sa pag-uwi ko na lang mamaya kasi hindi naman ako mabaho. Inayos ko ang tupi ng uniform ko sa trabaho para mailagay sa bag ko, alangan naman na isuot ko agad 'yong uniform habang papunta. Edi napawisan agad 'yon. Pagkatapos kong ayusin ay umalis agad ako at mabilis ang pagpapatakbo ko dahil wala pa naman masyadong sasakyan kapag madaling araw pa. Kapag ganitong oras ay cashier ako para hayahay ang buhay dahil hindi naman marami ang tao na nabili, at hanggang alas otso ako rito. Hindi naman ako napapagod kasi paupo-upo lang ako, nagsisimula talaga ang tunay na laban kapag mag-alas sais na pero walang problema dahil dalawang oras lang naman.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now