CHAPTER 2

81 10 0
                                    

CHAPTER 2

IT HAS BEEN A WEEK. Desperada kong kinontak ang cellphone number ni Kyn sa mga nagdaang araw at tuntunin kung saang lupalop siya nagtatago, subalit nalaman ko na agad na pala siyang nakalabas ng bansa nang hindi man lang sinasabi kahit kanino kung saan siya pupunta. 

Malakas kong binasag sa pader ang cellphone ko sa isiping matagal na niyang pinaplano ang makipaghiwalay sa akin! At wala man lang akong kamalay-malay!

“Kailan pa?! Kailan mo pa ako balak iwan?!” 

Nagsisigaw ako sa sa sariling kuwarto habang pinagbabasag ang anumang mga bagay ang naaabot ng kamay ko! Paos na paos na ang aking boses sa kasisigaw at pagwawala dulot ng mga nangyari. 

For seven fucking years we’ve been together, how can he just throw it all away? How can he act as if he doesn't love me at all after achieving success in his company?

Hindi ako naniniwala na hindi niya ako minahal. Lahat binigay ko kaya wala dapat siya na nasasabi! Binigay ko ang kayamanan ko, pagkababae ko, at buhay ko! What else is he still looking for? He should have been grateful! He should have grown dependent on me! Because, in the first place, he was nobody without me.

Why is everything the opposite of what I expected it to be? I can’t believe it!

“MINA!!” Bulyaw ko sa loob ng kuwarto at mula sa labas ay natataranta siyang pumasok. 

“Yes, Miss Llewellyn!” Her eyes aren't shocked at all to see the mess I made with my room, for it is the norm in my mansion. What could be more shocking is when everything is organized after Kyn leaves.

"Contact Kim and tell her how upset I’ve been until now." nahilot ko ang aking sintido. “Regarding the partnership agreement she was talking about, tell her I need more time to think about it.” 

Kim is Kyn’s older sister; she wanted to start a business partnership with me, but it was she who needed me most. Now that I am in a critical relationship with her little brother, I’m afraid I need to shake her a bit to convince him to come back to me.

“Yes, Miss!” Kaagad na lumabas ng kuwarto si Mina.

Naupo ako sa kanto ng magulo kong kama at napahilamos ng mukha.

Kyn will not listen to me if I don't do anything. Hindi na umuubra ang pagmamakaawa ko sa kaniya. Binigay ko na lahat sa kaniya pero mukhang hindi ko siya mapapanatili sa ganoong paraan, kaya bakit hindi ko naman subukan na may bawiin sa kaniya?

Sa oras na mayroong mangyari sa kumpanya niya at ng pamilya niya, hindi ba’t muli na naman niya akong kakailanganin? Kapag nangyari ‘yon, sisiguraduhin kong makukuha ko na rin ang gusto ko. 

Napatingala ako sa mataas kong kisame at malalim na nag-isip sa maaari kong maging plano sa hindi mabilang na beses. 

Subalit hindi ako makapag-isip nang maayos dahil parang paulit-ulit na nilalamutak ang puso ko. Kusa na lamang nagsipag-bagsakan ang mga luha sa dalawa kong mata at pinalabo niyon ang paningin ko. Naramdaman ko ang pag-angat-baba ng aking mga balikat at labis na napahikbi sa kama. 

Ang buong akala ko ay okay na. Ang akala ko ay wala nang hahadlang sa darating na kasalan naming dalawa.

My parents were against him, but I proved to them his worth, and they finally agreed. I worked so hard for our future. But why is he breaking it off now? ...

May ginawa ba akong mali? May pagkukulang pa ba ako? 

Ang sakit-sakit sa dibdib! Hindi ako makahinga! 

“Miss Llewellyn?” I feel Mina entered the room again. “Tahan na po kayo… Wala pa kayong matinong kain simula nakaraang linggo. Kaya nagdala ako ng meryenda.”

DESIRING THE SUBMISSIVE SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon