CHAPTER 14

36 2 0
                                    

CHAPTER 14

"Miss Llewellyn?" Mina knocked on my door right after I went out to the bathroom.

Tinali ko ang aking buhok sa likuran bago siya pinagbuksan ng pintuan. Bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha.

"Miss Llewellyn! Nawawala si Eiji!" hirit niya pa. Maging ako ay napatingin sa nakatiwangwang na pintuan sa harap. "Pagkadaan ko rito nakita kong bukas na bukas ang pintuan niya at wala siya sa loob! Mukhang kanina pa siya nawawala, baka kung saan na nagpunta ‘yon!"

Pinanood ko siyang mag-alala ng husto at napakrus ng braso habang sumandal sa pintuan. "Why are you so concerned with him?"

"Ha?" napatanga siya at naguluhan. "Eh, Miss Ophelia, wala ba kayong gagawin? Hinalughog ko na ang kwarto niya, pero wala talaga siya!"

"Hmm?" Napaisip ako at napaseryoso. "Hindi ba’t sa ibabang floor ang kuwarto niyo ni Yssa? Kaya anong ginagawa mo rito at bakit ka rito dumadaan?"

Mas nalukot ang mukha niya. "Anong sinasabi niyo, Miss? Hindi ba’t ako ang inaatasan niyong bumantay sa bawat kilos ni Eiji?"

"Oh, is that all?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Don’t you like him?"

"Ano?!" Namula ang mukha niya sa pagkapikon. "Susmaryosep para ko nang nakababatang kapatid ang edad ng lalaking ‘yon! Hindi naman ako couger gaya niyo!"

Napalabi ako. "I’m sure he’s in his early twenties, and we’re only twenty-eight, aren’t we?"

"Ganu’n pa man, mas matanda parin tayo sa kaniya ng ilang taon. Hindi ba’t masagwang tingnan?"

Nagsalubong ang kilay ko. "That’s an old thought you got there, Mina. Nowadays, there’s no barrier between one's life status, gender, or age."

"Kung gano’n ikaw ang may gusto kay Eiji, Miss Ophelia?" Tanong niya na para bang inuusisa pa ako.

Nginisihan ko siya ng sarkastiko. "Huwag mong ibalik ang tanong sa’kin. Kung gusto ko man siya, it’s only because I never had a plaything before in my entire life."

Bumakas muli ang pag-aalala sa mukha niya. "Nawa’y hindi ka po tumulad sa ugali ni sir Llewellyn. Ilang tao na ang sinaktan niya–literal o hindi! Isa pa, tingin ko na talaga kay Eiji ay nakababatang kapatid dahil sa ako ang nag-aalaga sa kaniya sa mansyon."

"Hey! What do you take me for? Sinabi ko nang hindi ko pasasakitan si Eiji. You don’t know how kind I am to even let him sleep in my room just because he’s going paranoid!"

"Eh??" Natauhan siya at walang anu-ano’y tinulak ako para tumabi at pumasok sa loob.

Nahinto siya sa paglalakad sa harapan ng kama, kung saan mahimbing na natutulog si Eiji. Nakatakip ang buo niyang katawan ng makapal na puting kumot at tanging ang ulo lang niya ang nakalabas na siya pang nahaharangan ng kaniyang buhok.

"Happy now?" Pukaw ko kay Mina.

Napatakip siya ng bibig gamit ang kaniyang isang kamay at may nagniningning na mga matang tumingin sa akin. Matapos ay kaagad niya akong pinalakpakan na animo’y proud sa ginawa ko.

DESIRING THE SUBMISSIVE SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon